Marian Rivera at Heart Evangelista, nagkabati na!

ADVERTISING

Marian Rivera at Heart Evangelista, nagkabati na!

Marian Rivera at Heart Evangelista, nagkabati na!HINDI KO na kinaya na pumunta ng SM-MOA Arena nu’ng kamakalawa ng gabi dahil napaka-late namang nagsimula ang palabas nila ng Alay Tawa: Dolphy Special.

Pero kuwento sa akin, ang ganda raw ng palabas lalo na’t nakakatuwang panoorin na nagsasama-sama ang lahat na mga artista ng tatlong malalaking TV network.

Maganda nga naman ang concept na ‘yan at tanging si Mang Dolphy lang ang nakagawa niyan, ha?

Ang maganda pa niyan, ang daming magagandang eksenang naganap sa backstage dahil lang sa magandang show na ito para sa Comedy King.

ADVERTISING

Ang isa sa magandang pangyayari ay nagkabati roon sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Nakausap ng Startalk ang dalawa at masaya sila dahil nagkaayos sila nang magkita sila roon.

Nasa isang holding room lang kasi sila kasama ang iba pang big stars ng tatlong TV network.

Nang nakita raw ni Heart si Marian, lumapit ito at bumeso siya. Nagkabati raw sila roon, pero hindi naman nagkausap nang matagal.

Basta okay na sila at wala na ‘yung iwasan at dedmahan, ‘di ba?

Sabi naman ni Heart, mabait daw si Marian at tingin daw niya tamang timing lang para magkaayos sila. Ito na nga ang right timing siguro.

Si Marian naman ay hindi na gaanong nagsalita. Basta okay na raw. Ayaw na niya sigurong i-showbiz pa ang pagbabati nila. Ang importante, okay na silang dalawa. Magandang balita ‘yan!

Nagkasalubong din daw sa backstage sina Heart at Daniel Matsunaga.

Nagkayakap daw sila nang mahigpit at nagbeso na parang kinilig daw doon ang mga taong nakasaksi.

Sabi naman ni Daniel, magkaibigan naman daw sila ni Heart kaya walang problema sa kanila.

Naku! Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas at may magandang coverage kami diyan.

Siyempre, nagpapasalamat si Zsa Zsa Padilla sa pagsasama-sama ng lahat na mga artista sa magandang project na ito para kay Dolphy.

Mapapanood pala ang special na ito sa September 30 na sabay-sabay iere sa ABS-CBN 2, GMA-7 at TV5.

Marian Rivera at Heart Evangelista, nagkabati na!

MAY EXCLUSIVE interview rin pala ang Startalk kay Paolo Contis tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Lian Paz.

Ayaw namang idetalye ni Paolo ang dahilan ng hiwalayan dahil ayaw naman daw niyang mapanood ito ng mga anak nila paglaki na parang nagsisiraan silang mag-asawa.

Maayos naman daw silang nagkausap tungkol sa paghihiwalay at okay na raw ‘yun.

Ang isa pang pakiusap ni Paolo, huwag naman daw idamay si Jennylyn Mercado sa isyu nila ni Lian.

Wala raw kinalaman si Jennylyn, lalo na’t wala namang third party na involved dahil sa kanilang paghihiwalay.

Sabi nga ni Paolo, nakakahiya naman daw kay Luis Manzano na apektado rin sa intrigang ito.

Ayaw na lang magsalita ni Jennylyn sa intrigang ito dahil ang cheap daw para patulan pa.

Abangan n’yo rin ang kuwentong ito sa Startalk namin bukas!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING