Marian Rivera at Dingdong Dantes, wala nang magic ang tambalan?! – Archie de Calma

Marian Rivera at Dingdong Dantes, wala nang magic ang tambalan?! - Archie de CalmaMarian Rivera at Dingdong Dantes, wala nang magic ang tambalan?! - Archie de CalmaISA RAW SA naging challenge kay Dingdong Dantes ay ‘yun ngang sinasabing agad ay pinanghinawaan ng publiko ang tambalan nila ni Marian Rivera dahil hindi nga gaanong kinagat ‘yung Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, kung pagbabatayan ang ratings nang iserye ito ng GMA-7 noon. Nagkanya-kanya na muna sila. Habang nasa Darna ang concentration ni Marian at napag-rate naman niya itong muli, ang biggest gamble ay ginawa ni Dingdong sa pamamagitan ng career move na tumambal sa iba, kay Rhian Ramos, sa top-rated na Stairway to Heaven.

Mabuti na lang at nasa right minds nila sina Marian at Rhian para hindi pansinin ang mga nang-iintriga. Sa totoo lang, may posibilidad na ma-develop si Dingdong kay Rhian dahil sa track record nitong una, lahat halos ng naitatambal dito ay nali-link talaga sa aktor.

Kaya lang, mukhang totoong marunong magpigil si Rhian. Kahit nga matindi ang atraksiyon ni Dingdong sa kanya, alam niya na kung sino ang para sa kanya.

Kumakalat nga ang chikang mukhang nangangamoy pagbabalikan daw ang namamagitan muli kina Karylle at Dingdong. But, this time, alang-alang sa mga career nila, walang kahihinatnan ito dahil mas mahirap ang situwasyon dahil nasa magkalabang networks na sila. Mapapakialaman talaga sila, sa ayaw nila at sa gusto, at mas malala pa ngayong salungat ang interests nila.

Sa tagal ng itinakbo ng teleserye nina Dingdong at Rhian, smooth sailing naman ito at walang matinding controversial angles, pero ang katotohanan ay tanggap ng publiko ang tambalan nila kahit wala ang factor na ito. Bagay rin naman kasi ang dalawa at umakma sila sa roles na ginagampanan nila sa nabanggit na teleserye.

Palagay namin, mas makabubuti talagang magkahiwalay muna sina Marian at Dingdong. Pero, naroroon pa rin kasi ang ideya ng GMA-7 na pagsamahin muli sina Marian at Dingdong, at sana naman, ay sa mas naaangkop na proyekto. Tiyak na fantasy na naman ito at posibleng magkaroon ng katuparan ang pagsasama nina Dingdong at Marian, bilang sina Captain Barbell at Darna sa susunod na taon.

NAKALOLOKA ANG PAGSESENTI ni Dimples Romana bilang isa sa nakaupong mga hurado sa super-taas nang ratings na Showtime. Bigla itong lumaban sa birong patutsada ni Vice Ganda, at nasabi nga ni Anne Curtis, bilang isa sa hosts ng show, na lately nga raw ay kinapapansinan ng kawalan ng mood at pag-iinit ng ulo si Dimples.

Sa gitna ng pagiging hurado sa Showtime, parang sa contestants naibubuhos ni Dimples ang kung anumang pinagdaraanan niya. Nasabi na lang niya na sa ganitong panahon ng Kapaskuhan, sumasagi palagi sa isip niya ang yumao niyang ama. Pinigilan ni Dimples ang bumigay, but at one point of the show, nahagip ng kamera na inaalo na siya ni Vice dahil tuluyan nang napaiyak si Dimples.

Sa tagal ni Dimples bilang hurado sa Showtime, isa siya sa mga kinapansinan ng pagiging transparent sa kanyang nararamdaman. But, lately, it’s taking its toll kumbaga. Ipinasok na si Yayo Aguila bilang isa sa judges na on the same category as Dimples dahil nagke-cater pareho ang appeal nila sa mga nanay na malaking part ng viewership ng nabanggit na programa.

Maintindihan kaya ng publiko ang pagiging very sensitive ni Dimples bilang isa sa mga hurado ng Showtime, o baka sa eviction day this Saturday ay magdesisyon ang publiko na maging burado na siya?

Calm Ever
Archie de Calma