Marian Rivera at Dingdong Dantes, trending na ang magiging pangalan ng panganay

Marian Rivera at Dingdong Dantes, trending na ang magiging pangalan ng panganay

Dingdong-Dantes--Marian-RriveraSUPER EXCITED na talaga ang mga DongYan fans sa magiging kauna-unahang baby ng mag-asawang Dindong Dantes at Marian Rivera.

Sa katunayan, ayaw pang basagin ng mag-asawa ang sorpresa kung ano ang magiging gender ng anak ng dalawa.

Kasi naman, ang mga fans, atat na atat na at biglang naging trending sa mga social media kung ano ang magiging pagalan ng magiging una nilang anak.

Pahayag nga ni Yan kamakailan, kapag babae may Maria sa pangalan ng bata. Kapag lalaki naman, dapat may pangalang Jose na isa sa mga legal name ni Dong.

Pero ang mahalaga, healthy ang bata at mailuwal ni Yan ang baby nila nang matiwasay at walang kumplikasyon.

Naalala ko ang sabi ni Dong noong press launch ng teleserye niyang Pari Koy na ang mahalaga ay healthy ang magiging baby nila ng misis niya.

“Babae man or lalaki it doesn’t matter. What’s important ay bigay ito ni God. Ang mahalaga, magiging mabuting anak namin paglaki siya,” sabi ng aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta