Marian Rivera at Dingdong Dantes, pinabinyagan na si Baby Zia

ADVERTISING
Photo courtesy of Instagram: thedongyanatics & supersolidmarianriveradantes
Photo courtesy of Instagram: thedongyanatics & supersolidmarianriveradantes
Photo courtesy of Instagram: thedongyanatics & supersolidmarianriveradantes
Photo courtesy of Instagram: thedongyanatics & supersolidmarianriveradantes

Itinaon ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Araw ng mga Puso ang pagpapabinyag sa kanilang almost three-month old na baby girl.

Bininyagan si Maria Letizia Gracia Dantes sa St. Alphonsus Parish sa Magallanes, Makati City kahapon, February 14, Valentine’s Day.

ADVERTISING

Walang masyadong showbiz fanfare ang pagiging ganap na Kristiyano ng anak ng Kapuso Primtime King and Queen, dahil ayon na rin kay Dingdong, nais nilang maging pribado at very intimate ang binyag ni Baby Zia.

Dumating sa binyag ang isa sa mga ninang ni Baby Zia na si Senador Grace Poe.

Kabilang sa mga kinuhang ninong at ninang ng mag-asawa para sa kanilang anak sina Ai Ai delas Alas, Gabby Eigenmann, Direk Mike Tuviera, at Oli Amoroso ng GMA Regional TV.

ADVERTISING

Ninang din ang mga malalapit na kaibigan ni Marian na sina Roxanne Barcelo, Ana Feleo, at Bettina Carlos; at ninong din ang mga pinsan ni Dingdong Dantes na sina Carlo Gonzales at Arthur Solinap.

Gayundin ang close friends ni Marian Rivera na sina Bettina Carlos, Ana Feleo, at Roxanne Barcelo; at ang mga pinsan ni Dingdong na sina Arthur Solinap at Carlo Gonzalez.

By Parazzi Boy

ADVERTISING