Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na!

ADVERTISING

Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na!

Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na!MADALAS KAMING nagkakasabay ni Marian Rivera sa salon ni Bambbi Fuentes at siyempre tsikahan kami du’n ng mga off the record na kuwento na ipinagkatiwala naman niya sa akin.

ADVERTISING

Base sa mga sinasabi ni Marian, mukhang malapit na nga silang magpakasal ni Dingdong Dantes at nakatono na talaga sa utak niya na si Dingdong ang lalaking pakakasalan niya.

In fairness naman kay Marian, wife-material talaga siya dahil pambahay Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na!talaga siya. Masarap siyang magluto, maasikaso sa bahay at ang kuwento nga sa akin ng ibang taong malapit sa kanya, kapag dumadalaw raw sa bahay niya si Dingdong, talagang super ang pag-asikaso niya.

Lalo na raw kung nagpapa-dinner ‘yan o lunch sa pamilya ni Dingdong, siya raw talaga ang nagluluto, at pati ang paghuhugas ng pinggan siya ang gumagawa.

ADVERTISING

Hindi n’yo nababalitaan si Marian na gumigimik sa labas, ‘di ba? Lumalabas lang ‘yan sa mga kaibigan at alam ko sa bahay lang sila tsikahan nang tsikahan, hindi umiinom o gumagawa ng gimmick sa labas.

Lalo na kung mag-asawa sila ni Dingdong, tiyak na focus na ‘yan sa pag-asikaso sa asawa niya at sa magiging anak nila.

Sabi nga sa akin ni Lorna Tolentino, minsan ay nau-open nga raw ni Dingdong sa kanya na kung mamili siya ng babaeng pakakasalan niya, si Marian na talaga ito. Kaya swak na swak na sila.

Abangan na lang natin sa susunod na taon, ang announcement nila kung kailan na ang kasal.

Malamang sa susunod na taon, may balita na tayo riyan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING