Marian Rivera at Dingdong Dantes, iniisnab ng mga PR ng GMA?!

ADVERTISING

Marian Rivera at Dingdong Dantes, iniisnab ng mga PR ng GMA?!

Dingdong-Dantes- Marian-Rivera Dingdong-Dantes-Marian-RiveraGALIT NA galit pala ang fans nina Dingdong Dantes at Marian Something sa GMA-7 PRs.

They felt that the PR team of the network is taking DongYan for granted when it comes to promoting the couple’s achievement sa Instagram account ng network.

We saw on Twitter how fans of DongYan were super inggit sa Star Magic website na kaagad na nag-post ng mga nagwaging Kapamilya talents sa Anak TV Awards. Ang complain ng DongYan fans ay wala raw isang photo sa IG ng GMA network website.

“Ang tamad ng gmanetwork ig  magpost basta dongyan, hello gma pr department,” pangangalampag ng isang Dingdong-Marian fan.

ADVERTISING

“Yun iloilo,cebu na pinuntahan dongyan na di naabot ng iba, makabuluhan bagay di post sa ig ng @gmanetwork,” himutok naman ng isang DongYan fan.

“Ang tamad ng gmanetwork ig  magpost basta dongyan, hello gma pr department,” daing pa ng tagahanga ng couple.

“Naturingang network King and Queen pero walang bahid DongYan ang Instagram nila. LOL. Syang Tunay. 1 or 2 maybe.. #sakitsabangs :),” komento pa ng isang disappointed supporter.

“Masyado ata halata ang pr department ng gma parang ayaw mag post ng DongYan pics waley eh,” pataray na comment ng maka-DongYan.

Ganito ba magtrabaho ang GMA-7 PR? Bakit sa tingin ng fans nina Marian at Dingdong ay parang wala kayong silbi?

Hindi namin inimbento ang mga reactions ng fans ng couple, ha, lahat ‘yan lumabas sa Twitter.

 

PARANG BINABASTOS na yata nang tuluyan ng Siyete si Dingdong Dantes.

Noong una, ang original plan ay magtapos ang soap opera ni Dingdong sa March.

Merong kumalat na chikang hanggang sa January na lang ang Genesis ni Dingdong. Hindi raw ito nagre-rate kaya naman ito ay nasa chopping board na.

Then came a source who told us na until December 27 na lang ang airing nito.

How sad na maagang natapos ang soap ni Dingdong. Parang hindi napanindigan ng Siyete ang moniker nila sa binata na Primetime King.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING