Marian Rivera at Coco Martin, kasado na ang pagsasama sa pelikula!

ADVERTISING

Marian Rivera at Coco Martin, kasado na ang pagsasama sa pelikula!

Marian Rivera at Coco Martin, kasado na ang pagsasama sa pelikula!KASADO NA raw ang pelikulang pagsasamahan ng dalawang malalaking bituin ng GMA-7 at ABS-CBN. Ito ay sina Coco Martin, na maituturing na pinaka-sought after actor sa kasalukuyan, ‘di lang sa Pilipinas, kundi  maging sa ibang bansa, at ang itinuturing na reyna ng primetime ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Kaya naman sa pagsasama ng dalawa sa pelikula ng Regal Films, pihadong mega duper blockbuster ito, dahil na rin sa dami ng avid fans ng dalawa na kapag nagsama ay tiyak na panalo sa takilya.

Pero marami ang nagtatanong, kung sino raw ba ang magbe-benefit sa pagsasama ng mga ito sa pelikula: si Coco ba o si Marian? Pero for sure, si Mother Lily Monteverde ang wagi kapag tumabo ito sa takilya, dahil siya ang producer.

At kahit ‘di pa nga nagsisimulang gumiling ang pelikula, marami -rami na ang nag-aabang nito, dahil gusto ng mga itong tingnan kung may chemistry ba sina Coco at Marian at bagong putahe raw ito sa kanilang pihikang panlasa. ‘Yun na!

ADVERTISING

 

NAKAKATUWA ANG dalawang young stars na sina Hiro Magalona at Kiray Celis na kahit magkaiba ng network, kung saan Kapuso si Hiro at Kapamilya si Kiray, at masuwerte lang na nabigyan ng pagkakataong magkasama sa pelikula ng Regal Films na Ded Na Ded sa U ni Direk Joel Lamangan, dahil naging maganda ang kanilang samahan kung saan constant textmate daw ang mga ito at minsan ay sweet na nag-uusap sa twitter.

Sa tuwing may shooting nga raw ang mga ito at nakikitang magkasama, hindi maiwasang tuksuhin ng mga production crew na kinikilig sa dalawa.

Tsika nga ni Hiro nang matanong ito if may chance ba na ma-develop siya kay Kiray na tinugon naman nito ng  oo. Dagdag pa nito na hindi naman daw mahirap magustuhan si Kiray, dahil mabait ito at masarap kasama dahil very jolly na ilan sa kuwalipikasyon sa gusto niyang maging first girlfriend.

Wish nga ni Hiro na sana raw after ng kanilang movie ay magkasama pa sila ulit ni Kiray sa iba pang pelikula ng Regal Films, dahil nag-enjoy raw siyang katrabaho ang batang aktres.

 

VERY OPEN na raw ang controversial na si BB Gandanghari na makaharap at makausap ang dating asawang si Carmina Villaroel . Tsika nito na ready na raw siyang harapin ang dating babaeng minahal nito bago nag-transform ito BB Gandanghari.

Dagdag pa nito na ‘pag nakaharap niya raw nang personal si Carmina ay isa lang ang kanyang sasabihin at ito ay, “Hi! I’m  BB Gandanghari!” habang nakangiti ito.

Open din daw si BB na makatrabaho ang esposo ni Carmina na si Zoren Legaspi, if ever daw na may proyektong iaalok sa kanya at wala raw problema rito, ‘yun daw eh, kung gusto rin siyang makatrabaho ni Zoren.

Sa ngayon daw, masayang-masaya si BB sa kanyang buhay lalo na’t tanggap siya ng kanyang buong pamilya, sampu ng kanyang ina, kapatid at mga pamangkin.

Marian Rivera at Coco Martin, kasado na ang pagsasama sa pelikula!

MARAMING NAGTATANONG sa amin ‘di lang sa Pilipinas, kundi maging sa Canada, kung buo pa raw ba ang grupong Gigger Boys na binubuo nina Sam Concepcion, Benjamin De Guzman, Enrique Gil, Robi Domingo at Aaron Villaflor, dahil hindi na nila napagkikitang magkakasamang nagpe-perform ang mga ito.

Dagdag pa nga ng mga loyal fans ng Gigger Boys, mas nakikita raw nilang may kanya-kanyang solo shows ang bawat miyembro ng Gigger Boys. Sayang naman daw kung bubuwagin na ang sikat na grupo dahil marami pa rin daw ang  tumatangkilik at nag-aabang sa mga ito na magkakasamang sumasayaw sa ASAP at sa ibang shows ng ABS-CBN.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING