Marian Rivera and Heart Evangelista, not in good terms!

ADVERTISING

Marian Rivera and Heart Evangelista, not in good terms!

Marian Rivera and Heart Evangelista, not in good terms!AYAW NG GMA at Regal Films na palakihin pa itong isyu nina Marian Rivera at Heart Evangelista na nangyari raw sa shooting ng Temptation Island.

ADVERTISING

May narinig din akong kuwento tungkol sa hidwaan nila, pero naayos naman agad at okay na sana sila.

Kaya lang, umeksena naman daw itong nanay ni Heart na sumundo sa kanila sa airport galing ng Ilocos.

Siguro nu’ng nagkaroon sila ng gap, naisumbong ito ni Heart pero hindi naman niya siguro nasabi na okay sila.

ADVERTISING

Kaya pagdating sa airport na magbi-beso na sana si Marian kay Heart, biglang umeksena itong nanay na tinilian daw si Marian ng “stay away from my daughter”.

Kung totoo man ito, bongga talaga si Mrs. Ongpauco, huh!

Ano kaya ang masasabi rito ni Annabelle Rama? Ayaw ni Bisaya ng ganyan!

Malapit nang matapos ang shooting ng Temptation Island, kaya ayaw na nilang palakihin ito dahil nega lang at hindi makakatulong sa pelikula.

Siyempre, gusto nila, positive lang ang pag-uusapan dahil mukhang maganda naman ang pelikula base sa trailer na lumalabas.

Pero dapat may statement dito ang Regal at GMA Films para malinaw din kung ano ba talaga ang nangyari.

Pag-uusapan at pag-uusapan pa rin iyan kung hindi nila iyan lilinawin.

 

ABANGAN N’YO PALA sa Startalk bukas, dahil may exclusive coverage kami sa pagkikita nina Mayor Patrick Meneses at Aiko Melendez sa hearing nila sa QC-RTC nu’ng kamakalawa ng hapon.

‘Di ba nag-file ng Temporary Protection Order si Aiko laban kay Mayor Meneses?

Nagkaroon na ito ng hearing sa sala ni Judge Jose Bautista ng Branch 107 ng QC-RTC at kailangan nila itong daluhan.

Kaya lang tahimik lang sila at hindi sila puwedeng magsalita dahil sa gag order na ibinaba ng korte.

Hindi raw talaga sila puwedeng magsalita lalo na kung may kaugnayan sa kaso kaya kahit anong kulit ng reporter namin wala silang masasabi.

Si Aiko raw, napangiti lang nang tinanong kung ano ang naramdaman nito nang makita niya ang dating kasintahan.

Si Mayor Meneses naman, wala lang daw. Nakiusap itong huwag muna siyang tanungin tungkol du’n.

Pagkatapos daw ng kaso saka siya magsasalita at baka magpa-presscon pa ito para sagutin ang lahat na katanungan.

Sinamahan si Mayor Meneses ng kanyang inang si Mrs. Precy Meneses.

Nandu’n lang daw siya para suportahan ang kanyang anak at hangad lang daw nito na lumabas lang ang katotohanan.

Sabi pa nga niya, babatiin daw sana niya si Aiko nang magkita sila sa korte pero hindi naman daw nakatingin sa kanya, kaya walang nangyari.

Hay, naku! Nakakaloka ito dahil nag-break lang naman umabot pa sa ganitong demandahan!

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING