Marian Rivera, alam na ang gender ng baby pero ayaw pang i-share

ADVERTISING

Marian Rivera, alam na ang gender ng baby pero ayaw pang i-share

Marian-RiveraALAM NA raw ni Marian Rivera ang gender ng baby nila ni Dingdong Dantes, pero ayaw pa muna niyang i-share kung ano, dahil gusto niya sa baby shower nila ito i-announce.

ADVERTISING

Ang dami na nga raw nangungulit sa kanya, pero gusto raw nila ni Dingdong na i-enjoy muna na sa kanila lang.

Basta sabi ni Marian, gusto raw ni Dingdong na ito ang magiging panganay nila.

Eh, sa mga nakaraang interviews ni Dingdong, nabanggit nito na gusto raw niyang magkaroon muna ng Little Marian. Kaya baka baby girl nga ito.

ADVERTISING

Abangan na lang natin kung kailan na ang baby shower ni Marian. Malapit na rin naman ‘yan.

Naloloka rin naman ako riyan kay Marian, kasi panay pa rin ang work niya, ha? Kahapon nga nasa launch pa siya ng endorsement niyang Hana na shampoo at iba pang hair products.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING