Marian Rivera, ‘di pinoprotektahan ng GMA?!

ADVERTISING

Marian Rivera, ‘di pinoprotektahan ng GMA?!

Marian Rivera, ‘di pinoprotektahan ng GMA?!HABANG HAYAGANG SINASABI ni Mylene Dizon na nagkabalikan na sila ng band vocalist na si Ira Cruz for the second time as boyfriend, si Paolo Paraiso naman ay nakadalawa nang anak sa kanya.

Chika lang ito for Mylene na si Ira ay bilang boyfriend nito, at si Paolo nama’y bilang ama ng kanyang dalawang anak, na tila hindi pa rin mapapangasawa ng aktres sa hinaharap.

“Hindi naman imposible ‘yun, nangyayari naman talaga ‘yun. Buti nga, friends kami ni Pao, eh,” sabi ni Mylene na kasama sa cast ng Lady Dada, ang bagong comedy series ni Ryan Agoncillo sa TV5.

Sabi ni Mylene, “quota” na raw siya kung magkaka-anak uli siya dahil okey na siya sa dalawang junak by Paolo, pero ang puso nito’y na kay Ira nga.

ADVERTISING

Napag-usapan ba nila ni Ira ang posibilidad na ikasal silang dalawa?

“Wala pa kami sa stage na ‘yan,” sagot ni Mylene.

“Para kaming getting to know each other. Nakakatawa! Kasi, marami nang nagbago since naghiwalay kami five years ago.

“I’d like to believe na nag-mature ako, and I know na napansin ko kay Ira, he has matured a lot… So many things have changed and I think it’s all good!”

After five years na magkahiwalay sila ni Ira, ano’ng dahilan ng reconciliation – for the second time?

“I think it’s love. It’s being with somebody that you like to be with and you’re comfortable with. I’ve always known na mahal ko naman talaga siya!”

Paano si Paolo kung may Ira na sa puso niya?

“Paolo will always be a part of our lives! Siya ang kalahati ng mga anak ko. Meaning, hindi siya mawawala and hindi ko siya dapat tanggalin. Gusto kong lumaki ang mga anak ko na kilala si Paolo as their dad and pinu-push ko talaga lagi na magkaroon ng relasyon ang mga anak ko sa ama nila.”

Kay Ira na ba manggagaling ang ikatlong anak niya?

“Nakakalokah ka!” malakas nitong tawa. “Kay Lord manggagaling ang next baby!… Alam mo, ni ‘yung una o pangalawa eh, hindi ko nga alam na kay Paolo pala manggagaling ‘yun eh! Hindi ko alam, hindi ko masasabi!”

Ano ba ang kaibahan ng pagmamahal niya kay Pao at kay Ira?

“Completely different. Si Paolo, ama ng mga anak ko. ‘Yung respeto ko kay Paolo bilang father of my kids, eh hindi ‘yun maihahambing sa respeto na mayroon ako kay Ira as my partner and my lover!” sey ni Mylene.

KAHIT NA anong pilit ay ayaw mag-react nina Dingdong Dantes at Marian Rivera tungkol sa isyu sa kanila ng Endless Love co-star nilang si Bela Padilla, sa mga ipinahayag nito sa press kamakailan lang.

Lalo na si Marian, ayaw nitong patulan si Bela. Mas gusto pa nitong pag-usapan ang pagtulong niya kay Buboy Villar sa hospital bills, na muntik-muntikan nang matsugi sa ospital.

Kaya naman ang DongYan fans mismo ang nagre-react sa e-mails. Tulad ng email na ito ni Ligaya Rosales, isang solid DongYan fan:

“’Di ko na ma-take ang panggagamit sa pangalan nina Marian at Dingdong para lang pasikatin ang isang baguhan gaya ni Bela Padilla. Sobra na ang panggagamit n’ya para lang mapag-usapan! Ano ba’ng ginagawa ng GMA at hindi nila pinapangalagaan si Marian?

“Kung tutuusin sya ang nagdadala ng malaking pera sa network pero walang ginagawa ang network para pangalagaan ang image n’ya, wala silang damage control sa mga naglalabasang negative write-ups laban sa kanya.

“Kung gustong sumikat ni Bela Padilla, gawin n’ya ‘yun sa tamang paraan na hindi nagagamit sa publisidad ang DongYan. Lalo na si Marian na nagmumukhang masama pa sa paningin ng iba dahil sa kawalang-hiyaan n’yang si Bela!

“Please lang kung gusto n’yang magtagal sa showbiz, tumino s’ya sa mga sagot n’ya at p’wede ba, kung totoong ayaw n’yang palakihin ang issue, ‘wag n’yang simulan! ‘Wag s’yang magkakamali uling gamitin sina Marian at Dingdong at talagang malilintikan s’ya sa amin.
“Sana mapaabot ito sa GMA, ang hiling lang naman namin ay ‘wag gamitin ang DONGYAN para lang pasikatin ang ibang talents nila! At gumawa naman sila ng damage control para sa biggest stars nila, ‘wag silang mamili lang kung sino ang poprotektahan!”

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING