Marian Rivera at Rhian Ramos, nag-isnaban sa dressing room?! – Alex Brosas

Marian Rivera at Rhian Ramos, nag-isnaban sa dressing room?! - Alex BrosasMarian Rivera at Rhian Ramos, nag-isnaban sa dressing room?! - Alex BrosasITINANGGI NI RHIAN Ramos na may namumuong away between her and Marian Rivera.

Ang tsika kasi, nag-isnaban sa dressing room ng Show Me Da Manny ang dalawa recently. At itong si Marian daw, imbiyerna kay Rhian dahil nagseselos ito sa namumuong friendship kina Rhian at Dingdong Dantes habang nagte-taping sila ng Stairway to Heaven.

At nang mag-guest daw si Rhian the second time sa Show Me Da Manny, dinedma niya ang dalaga.

Sabi naman ni Marian sa isang interview, wala silang away ni Rhian.

Sa victory party ng Ang Panday, nag-second the motion si Rhian sa sinabi ni Marian.

“Tama.Oo, tama naman. Puwede ko ba siyang i-requote. Wala naman ding kailangang ayusin kasi wala namang problema,” sabi ng dalaga.

Hindi nga natuloy ang taping niya for Show Me Da Manny dahil nagkasakit siya. Kaya kahit na naroon siya sa taping ay hindi na rin humarap sa kamera si Rhian.

“Hindi na nga natuloy, kasi sobrang lumala ‘yung sakit ko, kinailangan kong umuwi.”

At ‘yun ang dahilan kung bakit hindi sila nagkita ni Marian.

“Hindi kami nagkita kasi ‘yung dressing room niya sa ibaba, ‘yung sa akin sa itaas. Medyo kinontian nila ako bilang may sakit ako at nakahahawa. Ayaw nilang mahawa sa akin.”

Ang feeling ni Rhian, hindi na kailangang magkabati sila ni Marian sa harap ng publiko.

“Kung kailangan pang makita ng tao na… kung kailangan ba naming magbigay ng clue. Sa akin, hindi naman naging masyadong mabigat ang issue na iyon kasi alam kong hindi naman kami nag-aaway.”

Nilinaw rin ng dalaga na hindi naman sila lumalabas ni Dingdong pagkatapos ng taping ng Stairway to Heaven. “Hindi. hindi naman kami masyadong magimik na tao ni Dingdong. We’re friends lang.”

So, willing ba siyang makatrabaho si Marian?

“Why not? Why not? Kasi ako, ayun nga, eh, parang ang pinakagusto ko sa career ko, ‘pag may nakakatrabaho ako na hindi ko pa nakakatrabaho before. That’s why minsan ‘pag tinatanong ako kung sino ang gusto kong maging leading man, gusto kong makasama, lagi akong nagsasabi ng name na ‘eto never ko pang nakasama.”

Parang nasa cloud nine ngayon si Rhian dahil by this time ay more than P100-M ang kinita ng Ang Panday sa box-office. The movie will have an extended run in theaters until February 8.

Speaking of Marian, parang hindi na talaga matapos-tapos ang mga stories of her kamalditahan.

Lately kasi ay nasulat siyang nagmaasim sa isang fan na gustong magpa-picture kay Dingdong Dantes. Ang ginawa raw ng hitad, kinaray si Dingdong para hindi ito makapagpakuha ng photo kasama ang isang tagahanga.

Kung totoo ito, nakakaloka naman kay Dingdong. Pati siya ay nasama sa kagaspangan ng ugali ng kanyang dyowa.

Masyadong feeling itong si Marian. She must remember that she owes her career to Angel Locsin. Kung hindi lumipat si Angel sa Dos, sa tingin ba niya ay may papansin sa kanya sa Siyete. Tagasalo lang siya ng lahat ng project na dapat ay para kay Angel, ‘no! Helllooooo. Starlet na starlet lang siya sa Siyete noon, ‘di ba at wala sa kanyang pumapansin?

Dapat na magpasalamat siya’t may gustong magpa-picture sa kanyang dyowa. She owes her career din sa kanyang fans. ‘Yan ang dapat niyang itanim sa kanyang utak, ‘no!

SINO ITONG YOUNG TV host na talaga na yatang nagladlad na ng kanyang kapa.

Matagal nang natsitsismis ang TV host na ito na actor din at the same time, na berde ang dugo. Wala naman siyang pakialam sa tsismis kahit na kalat na kalat na ito sa movie industry. Hindi nga ba’t na-link din siya sa isang guy na questionable din ang gender na alumna ng isang reality TV show?

Anyway, naloka ang isang fastfood delivery boy nang magpa-deliver ang TV host na ito. Hindi naman kasi alam ng delivery boy na isang TV host-actor ang kanilang customer.

Nang magpunta siya sa bahay ng TV host, nagulat siya nang lumabas sa pintuan ang TV host. Mas lalo siyang naloka dahil naka-nighties ito. Lihim na lang na natawa ang delivery boy at sinabi sa kanyang sarili na “totoo pala ang tsismis.”

Kaloka siya, ha!

Sinex ang TV host? Well, everyday, well, almost everyday siyang nakikita sa telebisyon. ‘Yun na!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas