Maria Venus Raj, bagong Kapuso star na?!

ADVERTISING

Maria Venus Raj, bagong Kapuso star na?!

Maria Venus Raj, bagong Kapuso star na?! OLA CHIKKA!! MATAPOS ang major major moments ng ating Ms. Universe 4th runner-up na si Venus Raj, bongga na rin ang exposures niya sa Kapuso Network dahil iba’t ibang shows na ng Siyete ang binisita niya. Halos lahat na yata ng program igine-guest siya, eh.

ADVERTISING

May naririnig-rinig din akong mukhang magiging Kapuso star na itong si Venus at maaari na rin natin siyang mapanood sa telebisyon hindi lamang bilang beauty queen, kundi pati newscaster na rin, dahil isa siyang Mass Communication graduate. Bongga!

Pero ito ha… napansin ko lang po. Bakit ba nauso ang salitang major major kung nasagot ni Venus ang winning question niya nu’ng Ms. Universe 2010 Pageant, ‘di ba?

Mukhang iba talaga ang dating ni Venus kapag kinakabahan dahil napapalayo ang sagot niya sa mga itinatanong sa kanya. Itulad mo na lang nung pageant, tapos dagdagan mo pa ng Pinoy Henyo game noong nakaraan lang.

ADVERTISING

Itanong mo ba naman sa kakampi mo… ‘Hayop ba to? Apat ang paa? Manok ba to?’ May apat na paa ba ang manok?!

Ha-ha-ha!!

Venus, oh Venus! Sa bagay, hindi kita masisisi dahil minsan din akong naglaro riyan. Ngunit hindi naman ganyan kakabado na pati manok nagawa kong masabihan na apat ang paa. At dahil d’yan Venus, major major winner ka pa rin.

Hihintayin na lamang ang pagiging official Kapuso star mo.

LALO NA NGANG umiinit ang awayang Claudine Barretto at Angelica Panganiban dahil hindi lamang ang mga jowa nila ang nadadawit sa eskandalo, kundi maging ang mga network na kanilang pinagtatrabahuhan.

Naging mas mainit ang usapan nang maglabas ng statement ang Kapuso para kay Angelica, lalo na at binigyan pa mismo ng dalawang body guard ang actress para sa kanyang kaligtasan.

Kung gaano ka-supportive ang Dos kay Angelica ay NR (no reaction) naman ang Siyete sa isyung ito, dahil anito, ang Viva Artist Agency ang may sagot kay Claudine, hindi sila. Kaya naman hindi maiwasang sabihin ng marami na pinababayaan ng Siyete ang kanilang mga artista. Paano pa ang pagiging magkapuso nila kung pasahan naman ng responsibilidad ang nangyayari?

Unang-una sa lahat, wala naman talagang kinalaman ang Kapuso network sa eskandalong kinasasangkutan nitong si Claudine. Hindi naman ang mismong network ang nagreto sa actress sa kanyang bf daw umano.

Pangalawa, kagustuhan ni Claudine ang paglalabas ng sama ng loob niya sa kanyang Twitter account at walang sinuman ang nagdikta sa kanya.

Kaya hindi n’yo maaaring sisihin ang pananahimik ng Kapuso network tungkol kay Claudine na salungat naman sa pagmamalasakit ng Kapamilya network para kay Angelica.

Nagsalita na rin naman ang asawa ni Claudine na si Raymart Santiago na sinasabing bago pa man pumutok ang isyu ay nagkausap na sila mismo ni Martin Castro, na sinasabing lalaki raw ng kanyang asawa.

Kaya anuman ang kahantungan ng kaguluhang ito, ipaubaya na lamang natin sa korte, kung saan mas mahinahon at maayos ang magiging proseso. Good luck!! Sana’y maging maayos ang kalalabasan ng demandahang iyan tulad ng inyong dating teleseryeng Iisa Pa lamang. Paaak!

INAANYAYAHAN KO RIN ang lahat na saksihan ang nakaaaliw na Gay Contest diyan sa San Mateo, Rizal mamayang gabi sa Plaza Natividad na isa lang sa napakaraming inihanda sa pagdiriwang ng kanilang kapistahan, hatid ng kanilang butihing mayor na si Mayor Rafael “Paeng” Diaz.

Nami-miss n’yo na ba ang aking mga pitik-bulag? Kung ganu’n ay abangan sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING