Maria Ozawa, starlet na starlet ang dating

ADVERTISING

Maria Ozawa, starlet na starlet ang dating

Maria Ozawa, starlet na starlet ang datingStarlet ang approach ng Japanese porn star na si Maria Ozawa para pag-usapan lang.

Nang ma-interview kasi siya noon ng kontrobersiyal na si DJ Mo Twister sa online streaming show nitong “Goodtimes with Mo” ang hitaderang laos na porn star na hindi naman makapasok-pasok sa Philippine showbiz (kahit may pelikula siyang flopchina noong MMFF 2015), gumawa ng eksena na nakisabay sa pagiging kontrobersiyal ni Mo Twister para ipangalandakan na naka-one night stand niya ang leading man niyang si Cesar Montano bago pa man sila nagsimula ng shooting ng pelikulang “Nilalang”, na kung hindi naka-cancel ang screening sa unang araw sa kapipirangot na mga sinehan na allotted sa kanila ay nawawala sa listahan ng puwede mong panoorn dahil na-pull-out na sa mga sinehan.

Nang pagpistahan kahapon ang kontrobersiyal niyang pagbubulgar na pinik-ap ng halos lahat ng local media, heto ang hitad, nagba-backtrack at binabawi ang akala ko’y statement of all statement na bibilib na sana kami sa kanya.

Pero wala, starlet na starlet ang dating nitong matandang Japanese porn star na gustong makagawa ng pangalan sa showbiz, pero waley, pero has been, or baka nga never been pa itong si Maria.

ADVERTISING

Tuloy naalala namin ang mga local sexy stars natin noong late 70’s to early 80’s. Si Julie Ann Fortich na matapang na ipangalandakan sa Jingle Extra Hot Magazine (ang Bibliya ng showbiz noon): “I was raped at 14.” Na the following week sa parehong magazine, may deklarasyon din ang sexy star na si Janet Bordon na, “Ako rin!”

Ang saya!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING