Maria Ozawa, natikman ang pagka-romantiko ni Cesar Montano

Maria Ozawa, natikman ang pagka-romantiko ni Cesar Montano

Cesar-Montano-Maria-OzawaHUMARAP SA ilang entertainment press ang kontrobersyal na adult video star na si Maria Ozawa na leading lady ni Cesar Montano sa pelikulang Nilalang bago siya bumalik ng Japan. Ayon sa kuwento ni Maria, kung meron siyang katangian na hinahanap sa isang lalaki, ‘yon daw ay ang pagiging romantic.

“He has to be super romantic… And that’s a really hard thing to do in Japan, to find a decent guy cause they are not romantic,” sabi agad ni Maria.

Na-experience ba niya ang pagiging romantic ni Cesar?

“Maybe… a little bit. Hahaha!” natatawa niyang reaksyon. “Well, he keeps on worrying if I’m okey, keeping me in company,” dagdag pa niya.

Napanood na namin ang trailer ng Nilalang and in our assessment, potential box-office hit ang horror-suspence movie na idinirek ni Pedring Lopez. Siguradong tatangkilikin ito ng mga kalalakihan not only because nasa cast si Maria, kundi dahil action-packed din ito.

Ipalalabas din ang Nilalang sa iba’t ibang Asian countries, pero ‘yung makikita sa filmfest na version ay hindi raw ganu’n ka-revealing. Alam n’yo naman ang censorship dito sa atin, ‘di ba? Nilalang is also the comeback movie of Cesar na for a while, hindi naging aktibo sa paggawa ng pelikula. His last film was Hitman na hindi na rin namin matandaan kung kailan ipinalabas.

La Boka
by Leo Bukas