Maria Ozawa, napaibig ng mga Pinoy

ADVERTISING

Maria Ozawa, napaibig ng mga Pinoy

Maria-Ozawa“Gentleman type and nice,” ito ang nakangiting pahayag ng international star na si Maria Ozawa patungkol sa kanyang leading man sa Metro Manila Film Festival entry na “Nilalang” na si Cesar Montano.
At kahit nga raw ang ibang mga Pinoy na kanyang nakikilala sa Pilipinas ay mabait, gentleman, at marespeto kung i-describe ni Maria Ozawa. Kaya naman daw if ever na magkaka-boyfriend siya, Pinoy ang gusto niya.
Excited na nga raw ito sa pagpapalabas ng kanyang kauna-unahang pelikula sa Pilipinas na talaga naman daw na pinaghandaan nito ang kanyang role sa “Nilalang”, kung saan nag-aral pa ito ng martial arts, Ninja works, and gun shooting para magawa niya ang mga stunts na ipinagawa sa kanya sa said film.
Kabituin nina Cesar Montano at Maria sa “Nilalang” sina Meg Imperial, Yam Concepcion, Kiko Matos, Cholo Barretto, at Aubrey Miles mula sa direksiyon ni Pedring Lopez.

Arjo-Atayde-Ria-Atayde-Sylvia-SanchezArjo Atayde at Ria Atayde, mana sa inang si Sylvia Sanchez sa galing umarte

PROUD MOMMY raw ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang dalawang anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde na ngayon ay pareho nang sumabak sa pag-arte.
Happy nga raw ito dahil puro positibo ang naririnig niyang feedback sa acting ng kanyang mga anak. Marami nga ang nagsasabing nakuha nina Ria at Arjo ang husay ni Sylvia sa pag-arte.
Ayon nga kay Ms. Sylvia, hindi siya stage mom kina Arjo at Ria, hinahayaan lang niya ang mga ito pagdating sa kanilang career at gina-guide lang niya.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING