Maria Isabel Lopez, kinabog ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann sa red carpet ng Cannes Film Festival

Maria Isabel Lopez, kinabog ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann sa red carpet ng Cannes Film Festival

Maria Isabel Lopez With 'Ma Rosa' Cast And Director Brillante Mendoza At The 69th Cannes Film Festival
Maria Isabel Lopez With ‘Ma Rosa’ Cast And Director Brillante Mendoza At The 69th Cannes Film Festival

Kinabog ni Ma. Isabel Lopez ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann sa red carpet ng 69th Cannes Film Festival.

Talagang pinaghandaan ni Isabel ang kanyang red carpet walk by wearing an attention-getting emerald green Albert Andrada gown. Hindi napaghandaan ng co-stars niya sa movie ang kanyang pasabog na gown.

With that, talagang naging photographer’s delight si Isabel, talagang head-turner ang hitad.

Alam niya sigurong na baka hindi na maulit ang kanyang paglakad sa red carpet ng Cannes kaya talagang pinaghandaan niya ito nang todo.

Wagi naman ang mama natin. She made headlines sa social media.

At least, merong pinag-usapang Pinay sa Cannes. Balitang-balita kasi na mahina ang feedback sa movie ni Brillante Mendoza. Hindi magaganda ang initial review na naglabasan about his movie. Parang nakulangan sila kay Brillante.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas