Marco Gumabao nag-scrub at 3 beses naligo bago ang tequila body shot scene nila ni Sharon Cuneta

Leo Bukas
AYON kay Marco Gumabao sa virtual mediacon ng Revirginized ay pinaghandaan niya raw mabuti ang kontrobersyal na tequila body shot scene nila ni Sharon Cuneta sa pelikula.

“Nag-scrub ako ng katawan noon siyempre. Hindi puwedeng hindi. Nakatatlong ligo ako before that scene,” wika pa niya.

Marco Gumabao nag-scrub at 3 beses naligo bago ang tequila body shot scene nila ni Sharon Cuneta
Sharon Cuneta and Marco Gumabao in ‘Revirginized’

Sa naturang eksena ay kailangang uminom ng tequila ni Sharon Cuneta habang dinidilaan ang salt na nakakalat sa katawan ni Marco sabay sipsip ng lemon.

Si Marco na gumaganap ng karakter ni Pawie ang leading man ni Sharon sa Revirginized na gumaganap naman bilang si Carmela.

Ano ba ang naging reaksyon ng binata nang malamang si Sharon ang makakasama niya sa pelikula?

Tugon ni Marco, “I was at Viva office that day and then, katatapos lang ni Direk Darryl Yap na mag-pitch sa Zoom. I entered Boss Vic del Rosario’s office and then, biglaan, sinabi sa akin ni Boss Vic, ‘O Marco, may bago kang movie, kasama mo si Miss Sharon.’

“Siyempre, I’m so excited. Hindi ako makapaniwala talaga noong una. So I thought noong una, anak ako, yon talaga ang unang pumasok sa isip ko. ‘Ikaw yung magiging leading man ni Sharon sa movie.’ I was really shocked and I was really excited.”

Ayon naman kay Sharon, masaya siyang nakatrabaho sa pelikula si Marco.

“He’s a dream to work with because he is professional. He is obviously the heartthrob of Viva now.He’s a good boy. We’re both Christians and, you know what, he’s a friend of mine. He’s a dream to work with,” pahayag niya.
Nang lumabas ang trailer ng Revirginized ay hindi naman maiwasang ma-bashed ito ng ilang netizens dahil sa eskandalosang mga eksena.
Marco Gumabao nag-scrub at 3 beses naligo bago ang tequila body shot scene nila ni Sharon Cuneta
Marco Gumabao and Sharon Cuneta in ‘Revirginized’

“Everyone’s entitled to their own opinion so, of course, rerespetuhin namin if ever yun po ang opinyon nila para sa movie namin,” reaksyon dito ni Marco.

“But for me, before you bash us, or before you say bad stuff about our film, I think it’s best that you watch it first. Based on the trailer, parang it’s all partying, it’s all about having fun. But if you really watch the whole film, makikita niyo na may lesson sa dulo, especially yung scene namin ni Miss Sharon.

“I think that was one of the best scenes of the movie kasi yun talaga ang naging turning point for the character of Miss Sharon,” dagdag na paliwanag ni Marco.

Napapanood ngayon ang Revirginized via Ktx.Ph, Vivamax at iba pang streaming platforms.  Magkakaroon din ito ng theatrical release sa US at Canada sa August 13.
Previous articleVLOG WATCH: Barbie Forteza reacts to Jak Roberto’s kissing scenes (pinagselosan si Lauren Young?!)
Next articleAngel Locsin at Neil Arce nagpakasal na sa Taguig