Marco Gumabao inamin ang tungkol kay Ivana Alawi

Leo Bukas
MATINDING pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa nag-viral na larawan nina Marco Gumabao at Ivana Alawi na very sweet sa isa’t isa. Makikita sa photo na magkatabi sina Ivana at Marco sa upuan.

May isang video clip din na kitang nakahawak si Marco sa hita ni Ivana na halatang okey naman sa dalaga habang kumakanta ito. Posibleng kuha ang larawan habang nagkakasayahan sila sa isang private bar.

Marco Gumabao inamin ang tungkol kay Ivana Alawi
Marco Gumabao and Ivana Alawi

Sa virtual presscon ng Di Na Muli series  na mapapanood sa Vivamax ay kinuha na namin ang reaksyon ni Marco tungkol dito.

Gaano ka ba ka-inspired ngayon? Yung girl ba na kasama mo sa viral photo ang nagpapasayasa sa puso mo ngayon?

Habang tinatanong namin si Marco sa virtual presscon ay hindi naman napigilan matawa ni Andoy Ranay, director ng series.

“Lagi naman akong inspired… lagi naman. Ah… lagi naman akong inspired,” paulit-ulit na reaksyon ng hunk actor.  Nag-react din bigla si Julia Barreto, leading man ni Marco sa Di Na Muli at kaibiga niya for almost a decade sa tanong namin at sinabing, “Huli kami sa balita.”

Sunod naming tanong kay Marco: May extra special ba sa pagiging inspired niya ngayon lalo na’t nakita ng netizens kung sino yung kanyang “special someone” sa viral photo?

“Ah… yeah. Yes I’m…” ang matipid at halagang kinikilig niyang tugon.

Dugtong nito, “Si Direk tumatawa, eh. Naguguluhan ako sa ‘yo Direk, huwag kang tumatawa.”

Tila naging tagapagtanggol naman ni Marco ang leading man na si Julia sa pangungulit namin.

“Hindi. I’m sure si Marco will talk about it when he’s ready to talk about it. I think everyone is still in shock and he’s still overwhelm. Kasi si Marco is the type of guy na pag private life niya gusto niya private lang,” sabi ng dalaga.

Sinubukan pa naming humirit ng reaksyon kay Marco kung confirmed na ba na sila na nga ni Ivana. Pero inilihis na niya sa tanong namin ang kanyang sagot.

“Di Na Muli nasa Vivamax na po simula Oct. 22, panoorin n’yo,” paiwas pero natatawang sagot ni Marco.

Samantala, dati nang na-link sina Ivana at Marco. In fact may post pa nga siya noon sa IG ng ‘MarVana,’ ang pinagsamang pangalan nilang dalawa.

May photos din doon na naka-topless sa gilid ng isang pool si Marco na may hawak na wine glass na kung susuriin base sa isang komento ni Ivana ay siya pa ang kumuha.