Marco Gumabao hiningi ang blessing ni Jake Cuenca bago makipag-love scene kay Kylie Verzosa

Leo Bukas
HININGI ni Marco Gumabao ang pahintulot ni Jake Cuenca bago niya gawin ang ilang  maiinit na eksena kasama ang girlfriend ng aktor na si Kylie Verzosa sa pelikulang My Husband, My Lover. Malapit na kaibigan ni Marco si Jake na gumanap bilang magkapatid sa ABS-CBN series na Los Bastardos kung saan kasama rin si Kylie.

“When I read the script, nagandahan po talaga ako kaagad. Pero at the same time, kinabahan ako kasi very big ang requirements for the character at sa mga eksenang gagawin namin.

Marco Gumabao hiningi ang blessing ni Jake Cuenca bago makipag-love scene kay Kylie Verzosa
Marco Gumabao and Kylie Verzosa

“Nagpaalam ako kay Jake. As you all know, kapatid ko si Jake sa Los Bastardos. And even after Los Bastardos, kapatid ko pa rin siya off cam. Minsan lumalabas kami ni Jake with Kylie, ako yung laging third wheel nila.

“I had to ask him for his blessing. Kasi kahit sabihin nating trabaho lang ’to, as a gentleman and as a brother to him, tinext ko siya,” pagtatapat ni Marco sa ginanap na virtual presscon ng Viva My Husband, My Lover na idinirek ni Mac Alejandre.

Kaagad naman daw siyang binigyan ng blessing ni Jake para sa mga delikadong eksena nila ni Kylie.

“Sabi niya, ‘Bro, you have my blessing. Galingan niyo.’ Sobrang laking tulong sa akin no’n, kasi siyempre, sa mga eksena namin, talagang maiinit. I needed that go signal from Jake para matodo namin yung mga eksena,” lahad ng aktor.

Masaya namang ipinahayag ni Kylie na masuwerte siya sa pagkakaroon ng very understanding and supportive boyfriend na hindi nagiging isyu ang mga roles na tinatanggap niya sa pelikula.

“I’m very grateful to have a supportive boyfriend especially sa industry na ’to, very rare,” pagmamalaki ng beauty queen.

Patuloy ni Kylie,  “And I really feel lucky and blessed to have him support me in projects like this. Human pa rin tayo, nakakaramdam pa rin tayo ng ganoon — selos, but he’s a very professional actor and he wishes me the best for my career.

“Naiintindihan niya kung ano yung kailangan kong gawin. Kung ano yung gusto kong gawin sa career ko, and this is only one of the things na I wanted to do.

l

“Napakaganda po ng material, magaling po yung cast, magaling yung director, so grinab ko yung opportunity na ’to. I feel so lucky and blessed to have him by my side,” bulalas pa ni Kylie.

Going back to Marco, iginiit nito sa PUSH na hindi tao ang sinasabi niyang inspirasyon nung una namin siyang makausap sa digital conference ng Di Na Muli. Wala raw siyang girlfriend at matagal nang single.

Bukod nga pala kina Marco at Kylie, kasama rin sa My Husband, My Lover sina Adrian Alandy at Cindy Miranda. Mapapanood ang pelikula sa Nov. 26 sa Vivamax.