Marco Gumabao game sa May-December movie with Ara Mina

Leo Bukas

GAME ang aktor na si Marco Gumabao na gumawa ng isang May-December love affair kind of movie na katulad ng Glorious na pinagbidahan noon nina Tony Labrusca at ng award-winning actress na si Angel Aquino.

Ayon kay Marco handa siyang makatrabaho at maging leading lady ang ilang senior actresses ng industriya particular na raw ang sexy star at award-winning actress na si Ara Mina.

Marco Gumabao game sa May-December movie with Ara Mina
Marco Gumabao

Si Ara ang pinili ni Marco between Rosanna Roces and Maui Taylor na ibinigay na choices ng nagtanong sa kanya. Bida sina Ara, Rosanna at Maui sa Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar na napapanood ngayon sa Vivamax.

“Ako, I’ll go with Ms. Ara Mina,” deklara ni Marco na bida sa Parang Kayo Pero Hindi sa ginanap na virtual presscon ng pelikula.

Sundot niya na natatawa,  “Grabe!  Isyu ‘to. Hahaha! Pass na. Baka ma-issue ako dito.”

Pero hindi raw talaga niya isinasaisantabi ang posibilidad na gumawa ng may temang May-December love affair.

“Ako, siyempre game ako, di ba? Kung game sila, game din ako. Sobrang magagaling na silang artista. It would be an honor for me para makapareha ko sila,” reaksyon pa niya.

Flattered naman si Marco tuwing sinasabi ng  mga senior leading ladies na gusto rin siyang makatrabaho ng mga ito.

“Talaga? Ngayon ko lang po nalaman na ako yung gusto nilang makapareha. But you know what, I feel really honored, of course, sila yung talagang beterano pag dating sa mga films. Of course, since 90s napapanood na natin sila.

“Pero siyempre, depende sa script yan. Depende sa movie. Depende sa hihingin ni direk.  Ako siyempre, kung maganda yung story, kung maganda yung script. Ako, hindi naman ako mapili sa partner basta it’s all for the film, it’s all for the craft, game ako,” paliwanag niya.

Samantala, gaganapsi Marco ng karakter ni Robi sa Parang Kayo Pero Hindi na pre-Valentine offering ng Vivamax sa Feb. 12. Ayon kay Marco, nakaka-relate siya sa character na ginagampanan niya sa PKPH na isang career driven

Marco Gumabao game sa May-December movie with Ara Mina
Ara Mina

“Nakaka-relate naman ako sa character ko. Itong character ko dito, very career driven din s’ya. He’s really focused on his career and, at the same time, focused din siya sa love life.

“So, he wanted to balance both. He wanted to excel in both. Pero hindi niya alam na nagsa-sacrifice yung isa, which is yung love life niya. Kasi he was super driven sa career niya.

“Ako, I can also say na nakaka-relate ako because, of course, we all want to have a balanced career and love life. Siguro natutunan ko kay Robi is to always have time for both, always pahalagahan pareho para ‘yong oras mo naba-balance mo sa career mo at sa taong mahal mo,” pagbabahagi niya about his role.

Kasama rin ni Marco sa Parang Kayo Pero Hindi sina Kylie Verzosa at Xian Lim.