Marco Gallo to Kisses Delavin: “Post about your life more!”

MATAGAL nang binuwag ng Kapamilya Network ang noon sana’y pasikat nang tambalan nina Marco Gallo at Kisses Delavin na kilala rin bilang KissMarc. Ang personal differences ng dalawa ang dahilan kung bakit hindi na tinuloy ang pag-groom sa kanila bilang loveteam.

Marco Gallo to Kisses Delavin: "Post about your life more!"
Marco Gallo and Kisses Delavin

Parehong wala na sa poder ng Star Magic ang PBB graduates. Si Kisses Delavin ngayon ay kalahok sa Miss Universe Philippines pageant habang si Marco Gallo ay bini-buildup na ng Viva Artist Agency as one of their next favorite leading men. Sa katunayan, bida si Marco sa upcoming Darryl Yap movie na ‘Ang Manananggal na Nahahati ang Puso’ na mapapanood na sa Vivamax ngayong October 1.

Dahil bumobongga si Kisses sa kanyang journey as an aspiring beauty queen, hindi maiwasan na matanong si Marco tungkol rito.

“Kung doon siya masaya, ipagpatuloy mo lang. I mean, wala ako masyadong interes sa pageant, pageant, nalaman ko na lang din. Na-tag ako sa Instagram. Nung narinig ko yun, ‘aba tinuloy pa rin niya ‘yung pangarap niya.’ I was surprised,” pag-amin ng binata.

Nagpahayag din ng positive message si Marco sa kanyang ex-loveteam, pero meron din siyang personal na suggestion sa dalaga.

Hindi maikakaila na bago pa ni-reveal ang bagong yugto sa karera ni Kisses bilang isang beauty queen ay bihira itong magpost sa social media tungkol sa kanyang private life. Kung may post man ito, laging tungkol sa kanyang mga endorsements – specifically for a shampoo brand.

“Post a little about your life more. We don’t know anything about your life anymore,” advice ni Marco.

Marco Gallo to Kisses Delavin: "Post about your life more!"
Loving in Tandem cast members Marco Gallo, Kisses Delavin, Maymay Entrata and Edward Barber

Sa pagkakaalam namin, hindi na fino-follow nina Marco at Kisses ang isa’t isa, pero may mga KissMarc fans pa rin na hindi maka-move on at tina-tag ang dalawa sa mga ganap ng bawat isa.

Maliban kay Marco Gallo, nagpahayag din ng pagkagulat si Maymay Entrata sa beauty queen journey ng kaibigang si Kisses. She wishes her well though.

“Pinagpe-pray ko na sana maging successful ka at satisfied ka sa dream mo na ‘yan at sana maabot mo ‘yung pangarap mo na maging beauty queen,” pahayag ni MayMay.

Nakilala ng publiko sina Marco, Kisses at MayMay sa Pinoy Big Brother noong 2017.