Marco Gallo, pinagpalit ng girlfriend sa kapwa babae!

ADVERTISING

Marco Gallo, pinagpalit ng girlfriend sa kapwa babae!

Marco Gallo, pinagpalit ng girlfriend sa kapwa babae!
Marco Gallo

NASA MOVING ON stage pa rin si Marco Gallo, who plays Tope sa youth oriented movie ng Star Cinema na “Loving in Tandem” na maglo-launch sa kanilang movie careers nina Maymay Entrata, Edward Barber at Kisses Delavin na hindi pa man ipinapalabas, ang lakas-lakas na ng fan base ng apat na mga artista.

 
Si Marco edad 16 lang na ang last relationship ay sa dating girlfriend na nakipaghiwalay sa kanya at ipinagpalit siya sa babae.
 
During our short chikahan with Marco, hindi namin nalinawan na kung ang girlfriend niya ay naging lesbian at ipinagpalit siya sa babae or ipinagpalit siya at sumama ito sa isang lesbyana.
 
Dahil sa heartbroken ang binata, aminado siya na it’s not easy for him to look for another relationship or get into a new one. “I don’t want na maging panakip-butas lang ang magiging girlfriend ko,” sabi niya.
 
Kuwento niya: “I had an ex-girlfriend in Milan and I felt the first crush, the first kilig, the first love, first everything sa kanya. We lasted for three months. After that, pinagpalit ako sa isang babae, so after that I felt like for four months, five months, ang hirap para sa akin maka-move on,”  pagse-share ng binata sa media.
 
Pangako ni Marco na after his bad and painful experience ay ayaw niya ito gawin sa iba or sa magiging karelasyon niya reason kung bakit ingat na ingat siya na pumasok muli sa isang relasyon.
 
He promised na wala siyang sasaktan. Walang masasaktan in case na pumasok muli siya sa isang relasyon.
 
Kaya in case na mag-decide siya na  makipagrelasyon muli, gusto niya ingatan ito at ayaw masaktan.
 
Si Kisses na kaya ang dalaga na tinutukoy niya?
 
May sagot ang binata sa question namin: “I think that Kisses doesn’t need to worry about kung sabihin niya sa akin na may gusto siya kasi I would be very privileged na alam ko na may gusto siya kasi it’s not pogi points, it’s honor points na grabe, talaga ba? I mean sino ba ako para magustuhan niya ako?” sabi ni Marco.
 
Basta cool lang si Marco. Basta happy sila ni Kisses kung ano man meron sila ngayon.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING