MARCO GALLO, NAMAALAM NA SA SHOWBIZ

ADVERTISING

MARCO GALLO, NAMAALAM NA SA SHOWBIZ

MARCO GALLO, NAMAALAM NA SA SHOWBIZ
Marco Gallo

NAGPAALAM NA ng tuluyan ang Pinoy-Italian teenstar na si Marco Gallo sa mga fans at followers niya.

Isa kasi ang binata sa nagkaroon ng pagkakataon na kahit sa maikling panahon ay nakilala siya ng mga Pinoy fans na sinundan ang career niya mula sa Pinoy Big Brother na nauwi nga sa tambalan nila ni Kisses Delavin na hindi rin naman nagtagal for some personal reasons.

Sa una natin na naisulat tungkol sa pamamaalam ni Marco sa showbiz, wala pang linaw ang pagku-quit niya lalo pa’t may mga pending pa siya na mga trabaho.

MARCO GALLO, NAMAALAM NA SA SHOWBIZ
Karla Estrada and Marco Gallo

Pero this time ay sure na ang paglisan ng binata para ipagpatuloy ang pagaaral niya.    

ADVERTISING

Bago siya umalis ay dinalaw muna niya at nagpaalam ng maayos sa kanyang Star Magic family.

Ang last photo posting ni Marco ay kuha mula sa pre-departure area na may sukbit na backpack.

Mensahe niya sa lahat: “Paalam Philippines,” na kalakip ng picture niya.

Sa paglisan ng binata ay tinapos niya ang pelikulang “Familia Blandina” mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Pero may mensahe ang binata sa kanyang mga tagahanga: I’ll see you in a few years.”

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING