Marco Gallo, gustong makapareha si Nadine Lustre!

ADVERTISING

ANOTHER PBB graduate just jumped ship and moved to Viva Artists Agency and that’s no other than Marco Gallo.

To refresh your memory, si Marco Gallo ang isa sa promising graduates ng PBB Teens na kasabayan nina Maymay Entrata at Edward Barber. Siya ang unang ipinares kay Kisses Delavin at ang tambalan nila ay tinawag na ‘KissMarc’. Nagbida pa nga ang apat sa isang pelikula na hindi na namin maalala ang title.

Marco Gallo, gustong makapareha si Nadine Lustre!
Marco Gallo

If we remember it right, nagkaroon ng alitan on-cam sina Marco at Kisses kaya nagdesisyon ang management na buwagin na ang tambalan nila. Ito rin ang naging hudyat ng panandaliang pagquit ni Marco sa showbiz at bumalik sa Italy, ang kanyang birthplace, to continue his normal life away from the demanding faneys.

In less than a year ay bumalik din ito as a solo actor and not depending on any loveteam. Na-link din ito kay Juliana Gomez na anak nina Richard at Lucy. Nagbreak din ang dalawa.

Sa totoo lang, naging mabagal ang dating ng projects para sa young actor na may potential din naman talaga kung matutukan at maalagaan mabuti.

ADVERTISING

Sa isang panayam ay binanggit ni Marco na maayos ang kanyang pamamaalam sa Star Magic. Now na he’s with Viva Artists Management, gusto niya makatambal si Nadine Lustre.

Marco Gallo, gustong makapareha si Nadine Lustre!
Marco Gallo and Nadine Lustre

In fairness, may potential din sila kahit in one movie project lang dahil they look good together physically. Hindi rin naman ganun kalayo ang kanilang age gap. Mas may potential din ito na magkatotoo lalo pa’t nilayasan na ni James Reid ang Viva.

Coincidentally, James Reid is the third PBB Teens Winner at umarangkada lang ang karera nito nang lumipat sa Viva, where he was given a chance to record his own album and star in the record-breaking film ‘Diary ng Panget’ in 2014 na naging launching vehicle nila ni Nadine as important stars of the new generation.

Malay natin, baka ang career path din ni Marco Gumabao ang sundan ni Marco Gallo. O ‘diba, from one Marco to another?

Goodluck sa’yo, Marco!

ADVERTISING