Marami raw tutol sa tambalan ng dalawa
Cristine Reyes, ‘di makatutulong sa career ni Gerald Anderson!

ADVERTISING

<i> Marami raw tutol sa tambalan ng dalawa </i></br>Cristine Reyes, ‘di makatutulong sa career ni Gerald Anderson!

<i> Marami raw tutol sa tambalan ng dalawa </i></br>Cristine Reyes, ‘di makatutulong sa career ni Gerald Anderson!

HINDI PA man nagsisimula ang teleseryeng pagsasamahan nina Gerald Anderson at Cristine Reyes, marami na agad ang tumututol sa kanilang tambalan. Una, wala raw chemistry ang dalawa. Pangalawa, hindi raw makakatulong sa career ng binata na i-partner ito kay Cristine dahil nega ang dating sa paningin ng publiko. Pangatlo, hindi tanggap ng mga fans ni Gerald ang dyowa ni Rayver Cruz.

Pero kung tatanungin mo si Gerald, excited ito sa bagong show nila ni Cristine. ‘Yung ibang details nga about the show si Rayver pa ang nagkuwento sa kaibigan. Walang alam ang hunk actor na ngayon pa lang, ang dami nang hindi sumasang-ayon na pagsamahin sila sa isang teleserye.

Ayon kay Cristine, walang kinalaman ang personal problem niya sa soap na gagawin nila ni Gerald. Oo nga’t nega ang dating ng dalaga sa publiko maging sa media, pero walang kinalaman ito sa kanyang trabaho bilang artista. Hindi niya ipinagpipilitan ang sariling gustuhin siya. Trabaho lang daw ‘yung sa kanila ni Gerald, wala nang iba pa.

ADVERTISING

Hindi apektado si Cristine sa mga negative write-up tungkol sa kanya. Maaalarma lang daw siya kung sakaling magkahiwalay sila ni Rayver at maniwala ito sa sinasabi ng iba. Up to now, going stronger pa rin ang love relationship nilang dalawa. Nand’yan ang binata tunay na nagmamahal at sumusuporta sa lahat ng laban niya sa buhay. Ganu’n ?

 

HINDI MAN kami nakapapasyal sa Wil Time Big Time ni Willie Revillame, palagi naman namin itong pinapanood sa TV, ang paboritong game show nang masang Pinoy. Malalaking papremyo ang naghihintay sa mga contestants na mapipili sa second anniversary this coming October sa nasabing programa. Isang buwang selebrasyon ng WTBT para sa manonood. Linggu-linggong paremyo, isang house and lot plus Foton Van bukod pa sa cash prizes at giveaways na ipamimigay sa mga masuwerteng contestant na mapipili sa loob ng studio.

Ngayon pa lang, excited na ang ating mga kababayaan sa nalalapit na big event nito ni Willie. May chance nga namang magbago ang kanilang kapalaran kung sakaling palarin si-lang manalo. Para ka na ring tumama sa lotto na hindi mo inaasahan. Ang tanging puhunan mo lang ay kaunting pagod para makipagsapalaran sa pa-contest na ito ni Willie. Sa pamamagitan nito, makapagsisimula ka nang magtayo ng sarili mong negosyo.

Ang tanging hangad ni Willie magbigay ng saya’t tuwa sa manonood na patuloy pa ring tumatangkilik ng kanyang WTBT. May mga tunay na drama ng buhay na ibinabahagi ng bawat contestants sa Kantanong portion. Sinusubaybayan namin ang portion na ito dahil nagigising tayo sa katotohanan ng buhay. Kung minsan pa nga, tinutulungan ni Willie na pag-aralin at bigyan ng trabaho ang ilan sa kanila.

<i> Marami raw tutol sa tambalan ng dalawa </i></br>Cristine Reyes, ‘di makatutulong sa career ni Gerald Anderson!

Tuwing Sabado, naiibang production number ang handog ng WTBT plus mga sikat na showbiz celebrities ang maglalaro sa Kantanong portion. Lalong kapana-panabik ang 2nd anniversary, uulan talaga ng malalaking papremyo at cash pri-zes. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING