Marami raw dahilan Gabby Concepcion, ‘di p’wedeng makasama si Sharon Cuneta sa isang project?!

ADVERTISING

Marami raw dahilan Gabby Concepcion, ‘di p’wedeng makasama si Sharon Cuneta sa isang project?!

Marami raw dahilan Gabby Concepcion, ‘di p’wedeng makasama si Sharon Cuneta sa isang project?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly!

Kumustahin naman natin agad ang mga laging nagbabasa ng column ko through online, dahil marami ang natutuwa at naiinis sa column ko. I’m so thankful pa rin at binabasa nila, hahaha!

Maloloka ka talaga sa Earth sa mga ichi-chikka ko sa inyo ngayon. Dahil hindi ako basta-basta nagsusulat lang at meron akong reliable source, ‘no! Tatagal ba ako sa industry kung gagawa lang ako, may maisulat lang? Hahaha! Kaloka!

ADVERTISING

Ayan, maka-chikka na nga. Kumusta naman ang eksena nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na hindi na talaga natuloy ang gagawin nilang movie, at ang tambalan nila?

Marami ang naging dahilan na kung anik-anik na kesyo raw humingi ng mataas na rate si Gabby, at merong mga bali-balita na kesyo manganganak daw ‘yung misis niya. Sayang naman kung hindi matutuloy ang balik-tambalan nila.

Pero ang totoong balita pala, hinarang daw ito ni Sen. Kiko Pangilinan. Kaloka naman, ‘te! Marami tuloy ang nanghinayang, dahil marami ang nag-aabang sa kanilang dalawa.

Speaking of Sharon, kung si Kris Aquino raw ang Reyna sa ABS-CBN, si Sharon naman daw ang sa TV5. Sino naman kaya ang sa GMA-7? Hahaha! ‘Yun na!

 

ANOTHER CHIKKA na naman tayo. Na-miss ko talaga ang aking iniidolo at simula nu’ng unang duma-ting si Ate Guy, at hanggang ngayong bumalik na siya sa ‘Pinas, hindi pa rin kami nagkikita.

Nakakaloka naman, kasi hindi na raw natuloy ang operasyon niya. Bakit kaya? Marami pa naman ang nag-aabang na makakakanta na kaya ito. Ayon pa rin sa chikka, pagbalik daw nito ay family muna ang magiging eksena niya sa buhay.

Bongga ever, ‘di ba? Ikaw na!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong aking pitik-bulag, mahulaan n’yo kaya kung sino itey?

Dahil sa mga dumaraming  ‘retokada queen’ na mahilig sa mga bagets, artista man o hindi. Kung type niya ang isang lalaki, dinadaan niya sa datung o mga bonggang regalo. Kaloka!

Siyempre, mayaman lang ang makakagawa niyan! Sino nga ba siya?!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING