Marami nang nagpapaparamdam Kim Chiu, handa nang ma-in love ulit!

ADVERTISING

Marami nang nagpapaparamdam Kim Chiu, handa nang ma-in love ulit!

Marami nang nagpapaparamdam Kim Chiu, handa nang ma-in love ulit!

ADVERTISING

KIM CHIU IS one of the biggest stars of her generation. Since winning the grand prize in Pinoy Big Brother 1st Teen Edition ay malayo na talaga ang narating ng career ni Kim. Natutulungan na rin niya ngayon ang kanyang pamilya at nakapagpatayo na siya ng kanyang dream house.

Iba’t ibang karakter na ang nagampanan ni Kim sa pelikula at telebisyon. At sari-saring emosyon ang pinaramdam niya sa atin sa kanyang bawat pagganap. Pinatawa niya tayo when she played Brainy Indi in her first movie First Day High, pinakilig niya tayo bilang si Alex Girl sa I’ve Fallen for You, pinatapang niya tayo sa ngalan ng pag-ibig as Ysa Benitez in I Love You Goodbye, at pinaluha niya tayo sa Till My Heartaches End bilang si Agnes Garcia.

Sinubaybayan ng sambayanang Pilipino ang kanyang mga hit primetime teleseryes kung saan nakita natin kung paano siya nag-evolve bilang isa sa pinakamagaling na kabataang aktres ngayon. Ang mga di-malilimutang karakter na ito ay ilan lamang sa mga binigyang-buhay ni Kim sa telebisyon: siya si Poknat sa Sana Maulit Muli, si Jasmine sa My Girl, si Audrey sa Tayong Dalawa, at si Gwen sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

ADVERTISING

Kim is back with another exciting teleserye My Binondo Girl na gabi-gabi na nating napapanood sa ABS-CBN. She plays a dual role in the series na ang istorya ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Jade na nagkunwaring siya ang kapatid niyang lalaki na si Yuan para makuha ang pagmamahal ng kanilang ama.

Although she is busy, Kim reveals that she is ready to fall in love again. “Alam mo okay na ako at ready na [to fall in love]. Pero sa ngayon, wala pa ang taong magpapatibok ng puso ko at magpapahaba ng hair ko pero may mga nagpaparamdam naman.” Sinu-sino kaya ang mga tinutukoy ni Kim na umaaligid-ligid sa kanya ngayon na tila mga bubuyog?

Tulad ng mga roles na kanyang ginampanan na na-in love at nabigo ay ganito rin ang pinagdaanan ni Kim in real life. Pero pulang-pula na raw ang kulay ng kanyang puso ngayon at hindi na kulay lumot gaya ng dati. Tungkol naman sa naging relasyon nila ni Gerald Anderson, masaya raw siya sa kung ano ang nara-ting at kung hanggang saan ang inabot ng kanilang pagsasama.

Ano naman ang kanyang masasabi sa mga haka-hakang hindi pa rin siya tuluyang nakaka-move on matapos siyang magsalita about her past relationship with Gerald on The Buzz? “Naiyak lang ako kasi may sad music at may taong nakatitig sa akin. Naiiyak talaga ako kapag ganoon saka parang ang tagal na noon. Iyakin talaga ako at konting kurot lang iiyak na ako. Pagkatapos ng interview sabi ko nga sa sarili ko, ‘ano ba ang nangyayari sa akin at bakit ako umiiyak?’” sagot niya sa abs-cbnNEWS.com.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING