Mara Lopez, simpleng harbatera

Mara Lopez, simpleng harbatera

Mara-LopezSIMPLENG HARBATERA rin pala si Mara Lopez, and just who is she? Anak siya ni dating Binibining Pilipinas-Universe Maria Isabel Lopez whose claim to fame was when she joined Survivor Philippines a few years ago.

Kuwento ito ng production staff ng isang TV show kung saan panauhin nila si Mara for its cooking segment. Based on Mara’s dip recipe ay kinailangan ng dalawang klase ng nuts: cashew and almond. Naiprodyus naman ng staff ang required ingredients that had to be ground bago gawing dip.

When ground, ‘eto na raw ang Mara, nagre-request ng dalawang plastic container. Sa dalawang plastic container pala niya isisilid at iuuwi ang dip made from separate ground nuts. The staff had to produce the plastic containers.

Kaso, maliit lang ang mga lalagyang naiprodyus ng staff. Ani Mara, maghanap daw ito ng mas malaking container.

Eksaktong nakasalubong ng executive producer ang staff, “O, bakit aligaga ka?” Du’n na sinabi ng staff na nagpapahanap si Mara ng mas malaking container para pagsidlan ng ite-take home na dip.

“Ah, hindi!” buwelta ng EP, “Budget ng show ‘yan, may TF na tayong ibinigay sa kanya!”

Moments later, nang makita ni Mara ang inutusang staff at kinulit tungkol sa hinihingi niyang plastic container ay nagdayalog ito, “O, nasaan na?” Sagot ng staff, “Pasensiya na po, Ms. Mara, bawal po kayong mag-uwi.”

Umirap na lang daw si Mara, sabay talikod sa staff.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III