Mara Clara stars Kathryn Bernardo and Julia Montes signed two-movie contract with Star Cinema

ADVERTISING

Mara Clara stars Kathryn Bernardo and Julia Montes signed two-movie contract with Star Cinema

Mara Clara stars Kathryn Bernardo and Julia Montes signed two-movie contract with Star CinemaPUMIRMA NA NG two-movie contract for two years ang mga bida ng na-ngungunang teleserye ngayon na Mara Clara na sina Kathryn Bernardo, 15, at Julia Montes, 16, with ABS-CBN’s film arm—Star Cinema Productions, Inc.—nu’ng Miyerkules lang ng gabi.

ADVERTISING

Magsasama pa rin daw sa kauna-una-hang pelikulang pagbibidahan nila ang dalawang dalaginding. Si Albie Casiño pa rin daw ang magiging leading man ni Kathryn, habang hinahanapan pa ng katambal si Julia. Kung nabubuhay pa kasi sana si AJ Perez, ito sana ang makakapareha raw ni Julia.

Wala pang idea ang dalawa kung ano ang istorya ng kanilang magiging unang pelikula at kung kailan magsisimula ang shooting.

During the contract signing, kasama ni Kathryn ang kanyang mommy, habang ang lola naman ni Julia ang kasama nito. Nakakatuwa ang lola ni Julia, dahil bago mag-umpisa ang pirmahan ng kontrata, hindi nito sinasadyang mapaupo nu’ng una sa gitnang upuan, kung saan pauupuin ang Star Cinema managing director na si Tita Malou Santos. Present din ang namamahala sa career ng dalawa sa Star Magic na si Johnny Manahan o Mr. M.

ADVERTISING

Isa pang nakakatuwang balita tungkol kay Julia ay nagbunga na agad ang kanyang paghihirap sa showbiz, dahil nakabili na ang dalaga ng bagong sasakyan na Toyota Innova last Friday.

Pareho namang natatawa ang dalawa sa nangyaring movie date ng batang komedyana na si Kiray Celis at baguhang young actor na si Diego Loyzaga two Wednesdays ago. Inaasar nga raw nina Kathryn at Julia ang guwapong 15-year-old son nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga sa set ng Mara Clara.

TODAY RAW ANG dating ni Angelica Panganiban mula sa shooting ng kanyang bagong TV commercial sa Bangkok, Thailand.

Marami kasi ang nagtatanong sa amin kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng aktres bukod sa gag show na kinabibilangan nito na Banana Split.

Ang tsika ng aming source, baka mag-umpisa nang mag-taping si Angelica next week para sa kanyang bagong teleserye na Alta na pagsasamahan nila ni Gretchen Barretto, KC Concepcion, Zanjoe Marudo at Sam Milby.

Baka makasama naman daw ng girlfriend ni Derek Ramsay sa kanyang susunod na pelikula under Star Cinema pa rin ang boyfriend ni KC na si Papa Piolo Pascual.

Dahil dito, how true na hindi na raw talaga matutuloy ang pagsasama nina Papa P at Kim Chiu sa isang movie project?

GAANO KATOTOO NA hiniling diumano ng mga magulang ng namayapang si AJ Perez sa ABS-CBN management na magkaroon sana ng larawan ang kanilang anak sa hallway ng main building ng network kahilera ang iba pang mga artista upang hindi umano maka-limutan ang young actor?

ADDENDUM: SA ADORA po, hindi Pandora, sa Greenbelt 5 mall sa Makati City binili ni Phil Younghusband ang kanyang regalong Givenchy Pandora messenger bag para sa birthday ni Angel Locsin.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING