Mara and Clara, beware! Albie Casiño, no regrets in hitting Andi Eigenmann?!

ADVERTISING

Mara and Clara, beware! Albie Casiño, no regrets in hitting Andi Eigenmann?!

Mara and Clara, beware! Albie Casiño, no regrets in hitting Andi Eigenmann?!BATTERED GIRLFRIEND’ DAW pala talaga si Andi Eigenmann sa almost two years na pagiging magdyowa nila ng Mara Clara star na si Albie Casiño.

ADVERTISING

Ayon sa source, hindi lang iisang beses na sinaktan ni Albie si Andi, kundi makailang beses at sa mara-ming pagkakataon. Sa isa nga raw eksena kung saan nagtatalo ang dalawa, hinampas daw ni Albie sa ulo at likod si Andi, ‘di lang isang beses, kundi anim na beses!

Wala rin daw pakialam si Albie kahit sa harap pa ng maraming tao nito gawin ang pananakit umano kay Andi. May pagkakataon daw na nasa Greenbelt ang dalawa, at sa kung anumang ‘di pagkakaunawaan, sinampal daw ni Albie si Andi, ayon pa sa source.

May time pa nga raw na sandaling na-delay ang ta-ping ng isang soap opera ni Andi nang dumating ito sa set na pulos pasa sa mukha at braso.

ADVERTISING

Ang lahat naman ng mga nabanggit na insidente ng pisikal na pananakit na ito ay kuntodo kung itanggi ni Albie. Nasabi pa nga raw nito sa kanyang account sa isang social networking site (formspring) na hindi niya aaminin ang ginawa niyang pang-aabuso kay Andi kahit sa kamatayan.

Noon nga raw dumalaw sa burol ni AJ Perez itong si Andi, sa galit nga raw ni Albie, nasabi nito na hindi dapat ang kaibigang si AJ ang nasa kabaong, kundi si Andi!

Kung susuriin ang mga post ni Albie sa kanyang formspring account, lumalabas na bastos at arogante si Albie. Sa ginagawa niyang todo-deny sa mga pananakit kay Andi at pagbabato ng hindi magagandang pananalita laban sa dalaga, tila walang pinagsisihan si Albie sa pananakit niya kay Andi, sabi pa ng aming source.

Mukhang malakas din ang ‘macho culture’ kay Albie, dahil sa pagiging teenager pa lang nito, mukhang sanay na sanay na sa paninigarilyo at pag-inom ng alak. Ipinagya-yabang pa nitong miyembro siya ng Tau Gamma fraternity, na tipong sinasabi na iyon ang dahilan kung bakit siya ganu’n umasta. Ganu’n nga ba ‘yon?

Samantala, sa panig ni Andi, halos hindi ito nagbibigay ng pahayag sa media laban kay Albie. Kung magsa-lita man ito, pawang ang labis niyang pagmamahal sa binata ang kanyang nasasabi, sa kung paano niya minahal at pinahalagahan ang binata sa dalawang taong magnobyo sila. Mistula ngang martir si Andi sa pag-ibig, na nakararanas ng ‘battered syndrome’.

Mara and Clara, beware! Albie Casiño, no regrets in hitting Andi Eigenmann?!

Maging ang inang si Jaclyn Jose, minsan lang ding nagbigay ng pahayag in defense of her daughter Andi, at para patahimikin na ang isyu. Hindi nga rin naman naging ugali ni Jaclyn noong kanyang kabataan na gumawa ng ingay at kontrobersiya para lang pag-usapan sa showbiz at sumikat.

Bakit pa nga naman kasi? Mula sa ina na hindi makukuwestiyon ang galing sa pag-arte at sa amang nasa lahi na ang pagiging mahusay na aktor, dumadaloy sa dugo ni Andi ang pagiging artista, sa mukha at sa talento.

Pero nakababahala pa rin, kung totoo man ang lahat ng mga paratang na ito kay Albie. Parang sobrang intense na argumento at sobrang galit lang ng isang tao ang mag-uudyok na gawan ng paulit-ulit na pananakit ang isa pang tao, ‘di ba? Ganu’n ba kalala ang awayan nina Albie at Andi noon? Ano ‘yun… cariño brutal?! O baka naturalesa na lang sa young starlet na si Albie na napakasamang ugali na ‘yon. Sobra ngang napaka-ungentleman, sabi nga.

Naku, Mara at Clara… kung sino man ang susuwertihin sa inyo sa pag-ibig ni Christian, humanda na lang kayo at mag-ingat! Dahil brutal ang cariño ni Albie Casiño! ‘Yun na!

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING