Mar Roxas at Korina Sanchez-Roxas, nagdiwang ng Christmas thanksgiving get-together kasama ang press

ADVERTISING

Korina-Sanchez-Mar-RoxasNagbigay kamakailan ng isang simpleng thanksgiving Christmas party si Mar Roxas at asawa nitong si Korina Sanchez-Roxas para sa mga miyembro ng entertainment press sa Novotel Hotel sa Cubao, Quezon City.

Tuwang-tuwa at aliw na aliw ang entertainment press na makita ang lighter at fun side nina Mar at Korina, na dalawa sa pinaka-prominenteng couple ng industriya. Sa loob ng maraming taon, kilala si Mar bilang isa sa pinakamarangal at hardworking na public servants ng bansa, habang si Korina naman ay sumikat nang husto bilang isang hard-hitting broadcast journalist. Kaya magandang sorpresa sa press na makitang nag-e-enjoy sina Mar at Korina nang kasama sila sa selebrasyon ng Pasko.

Hindi muna napag-usapan ang pulitika sa salu-salo at pinasalamatan nina Mar at Korina ang press para sa ilang taong pagmamahal at suportang ibinigay nila sa mag-asawa. Siyempre enjoy rin ang press sa mga fun games na inihanda nina Mar at Korina para sa kanila.

Nagkaroon din ng ‘di malilimutan at masayang gabi sina Mar at Korina sa piling press, na isang magandang bagay pa sa kanila dahil minsan lamang sila mag-enjoy dahil sa kanilang busy at very hectic na schedules. Ilan sa mga highlight ng gabi ay ang energy-packed rockkaoke sing-off contest para sa press, at isang espesyal at simpleng Christmas message mula kina Mar at Korina.

ADVERTISING