Mar Roxas at Korina Sanchez, pinasaya ang entertainment press

ADVERTISING

Mar Roxas at Korina Sanchez, pinasaya ang entertainment press

Korina-Sanchez- Mar-RoxasFabulous ang thanksgiving Christmas party ibiniyag ng loving couple na sina Mar Roxas at Madam Korina Sanchez for the entertainment press kamakailan lang na ginanap sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City. Sa kahilingan ng nakararami, game na nagpaunlak si Mar at buong puso siyang nagbigay ng aliw sa media sa pamamagitan ng kanyang song number. Inawit ni Mar ang kantang “To Love Somebody” with his backup singers na kaalyado niyang sina Alfred Vargas at Dan Fernandez. Hinahandog rin nila ang nasabing awitin kay Mother Lily na present that night at birthday nito with Dondon Monteverde at Direk Erik Matti.

Siyempre, sumunod namang umawit si Korina ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”. In fairness, maganda ang timbre ng boses ng award-winning TV host. Naaliw kami sa pakikinig sa kanyang song number. We asked for more, pero hanggang one song lang talaga. Walang tigil ang pa-raffle ng appliances and cash for the press na bigay ng couple.

Sa speech ni Mar, nagpapasalamat ito sa kanyang kabiyak na siyang nag-prepare ng mga Christmas gifts for the press. Sabi nga ng malalapit na kaibigan at supporters nito, napaka-down to earth at madaling lapitan si Mar. Maging si Madam Korina, nagpapasalamat sa entertainment press sa suportang ibinibigay sa kanya through the years. Alam niyang may kanya-kanyang kandidato for president ang media. Pumili na lang daw ng alam na makatuitulong sa bayan.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING