Mapang-asar na bagets actors, nanuntok ng 5-anyos na talent matapos mapikon

ADVERTISING

NAKAKALOKAH NAMAN ang isang bagets actor. Ang hilig mang-asar, pero ‘pag napikon, namimisikal.

Aba’y sa isang shooting, habang hindi pa sila kinukunan ay inaasar niya ang isang 5-year old na talent. Nu’ng napipikon na ang bagets, bigla nitong sinuntok ang young actor. Ang ginawa naman ng young actor, hindi man lang nagdalawang-isip, itinulak niya nang bongga ang batang paslit.

ADVERTISING

Lalo tuloy umiyak ‘yung bata. At ang ending, si bagets actor pa ang galit na galit, dahil sinuntok daw siya. Eh, pa’no siyang hindi susuntukin nu’ng bata eh, inaasar niya? Ang nakalimutan yata ng young actor, bata ang kaaway niya, hindi kasingtaas niya, hindi kasingtangkad niya.

At ipinagmamalaki pa ng bagets actor noon sa mga nakakausap na movie press na siya ay isa nang renewed Christian, take note. Patulan ba talaga ang isang bata?

Clue sa young actor?

ADVERTISING

Well, ang kanyang name ay muntik nang bumaho.

 

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING