Manyakis na mambabatas at patong sa Caloocan

Manyakis na mambabatas at patong sa Caloocan

 

ISANG BOARD MEMBER (Sangguniang Panlalawigan) sa Camarines Norte (Bicol) ang nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal at administratibo dahil sa hindi makontrol na kalibugan.

Si SP Edgar Basco ay kasalukuyang umiikot ang tumbong sa pakikipag-areglo sa kanyang complainant. Pero ayon sa ating tawiwit ay malabong mangyari dahil matigas ang complainant na isa ring board member.

Noong nakaraang linggo, parekoy, si SP Ligaya Pedron ay nakipag-debate nang husto kay Basco habang nasa sesyon ang provincial board ng Camarines Norte.

Pero nang dumaan si Ligaya sa may tabi ni Basco, biglang dinakma ng manyakis na mambabatas ang puwit ni Ligaya!

Hak, hak, hak! Hindi na talaga napigilan ng animal na Basco ang kanyang libog! P’we!

Ayon pa nga sa ating tawiwit, tumutulo raw ang laway ni Basco na mistulang ulol na aso! He, he, he!

Susmaryosep ka naman, Board, habang nasa sesyon kayo ay panay kalibugan pala ang nasa bumbunan mong animal ka! Hmp!

Dahil sa nangyari, ibinulgar tuloy ni Ligaya na kahit noong nasa seminar sila sa Baguio City ay pumunta rin si Basco sa kuwarto ni Ligaya na kunwari ay may hinahanap, habang ang manyakis na ito ay nakatapis lang ng tuwalya.

At noong nasa harapan na ito ni Ligaya ay biglang inilaglag ang tuwalya!

Asus, lumabas ang ibon ng hinayupak!

Ang siste, parekoy, ang akala ni Basco na cobra na kanyang ipinagmamalaki ay “bulate” lang pala sa tingin ni Ligaya!!!

Hak, hak, hak… ang bastos mong demonyo ka! P’we!

 

ANG MGA PUTAHAN, parekoy, sa Mc-Arthur highway, Caloocan City ay tuluy-tuloy ang ligaya dahil umano sa protection na ibinibigay ng isang major na nagpapakilalang collector daw siya ni Caloocan City Chief of Police Col. Jude Santos.

Ang “totnakan” na tinutukoy natin na nagmamalaking may patong din sa NBI, CIDG, Crame at Bicutan ay ang ST2 na may isa pang puwesto sa 4th Avenue na pag-aari ni Alex Caralde at ang Majestic Massage na pag-aari naman ni Teng!

Ang patong daw sa Caloocan na kilala sa tawag na Major Soriano ay nagpapakilala rin umano na bagman siya ni Col. Santos!

Sa kaso, parekoy, ng ST, kamakailan lamang ay niratsada ng NBI ‘yang ST2 at maraming menor na nakuha at tumuga na ipinapatotnak sila sa loob ng VIP rooms, pero sa awa ng Diyos ay hindi kinasuhan si Caralde!

Ang mga kawawang manager ang tadtad ng kaso!

Ito namang Majestic Massage ni Teng ay hindi ordinary, parekoy, dahil kalimitan ay mga Tsekwa ang kliyente.

Bigtime na putahan ‘yan, Col. Santos!

 

MAKINIG SA AKING programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303