Manolo Pedrosa, tumigil sa pag-aaral dahil sa showbiz

ADVERTISING

Manolo Pedrosa, tumigil sa pag-aaral dahil sa showbiz

Manolo-PedrosaNOONG SABADO, October 25, ay nag-celebrate ng kanyang 17th birthfay ang baguhang Kapamilya young actor na si Manolo Pedrosa. Ginanap ito sa Club Filipino, sa Greenhills, San Juan City. Bukod sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, naroon din ang kanyang fans.

ADVERTISING

“Para sa fans ‘yong celebration ko na ito,” aniya.  “Kasi sila po ang dahilan kung bakit nandito po ako ngayon.  Sobra ang suportang ibinibigay nila sa akin.”

Ano ba ang kanyang birthday wish?

“I wish na mas lalong dumating ‘yong more opportunities po sa akin,” sabay ngiti niya.

ADVERTISING

Hindi man nanalo si Manolo sa PBB kung saan si Daniel Matsunaga ang naging grand winner, isang magandang karanasang hindi raw niya malilimutan na naging bahagi siya nito.

“Nag-iba ang buhay ko. Dati nag-aaral lang ako. Fourth year high school ako sa La Salle-Greenhills. Kaso na-stop ako sa school when I joined PBB.

“Nanghihinayang ako na hindi ko naipagpatuloy ang studies ko. Pero naiisip ko rin… ‘yong sa PBB is a once in a lifetime opportunity so hindi rin ako nagsisisi. Itutuloy ko pa rin naman ang studies ko. Since late na ako nakapag-enroll, my mom filed ýong parang leave of absence sa school for one year kaya babalik na lang po ako next year.”

Paano kung maging sobrang busy na siya sa pagiging artista?

“Sabi ng manager ko… if we could fix our schedule na hindi magkakaroon ng conflict ‘yong work sa school, parang gano’n po.”

Pangarap daw ni Manolo na maging artista. At natutuwa siya ngayong unti-unti na itong nagkakaroon ng katuparan.

“May upcoming teleserye po ako,” excited niyang pahayag. “OMG po ang title. Kasama ko po  rito sina Janella (Salvador) at si Marlo (Mortel). Hindi ko pa po alam ang story nito. Pero parang magiging love triangle kami.”

Una niyang nakapareha si Janella sa isang episode ng MMK tungkol sa magkasintahang estudyante ng isang university na nag-outing at nalunod ang babae na hindi nagawang iligtas ng lalake.

“Happy po ako. I feel blessed na nakasali ako sa mga new artists po ngayon sa showbiz.”

Maganda rin ang chemistry nilang dalawa ng baguhang Kapamilya actress na si Mariz Racal. Ito ang gumaganap na love interest naman niya sa teleseryeng Hawak-Kamay kung saan bida si Piolo Pascual.

Dumalo si Mariz sa birthday celebration niya. May mga nag-iisip tuloy na parang nagkakamabutihan na sila.

“Hindi po. Magkaibigan lang po kami,” nangiting paglilinaw ni Manolo.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING