Manolo Pedrosa, mas kumportable kay Maris kaysa kay Janella Salvador

Manolo Pedrosa, mas kumportable kay Maris kaysa kay Janella Salvador

Manolo-Pedrosa-Janella-Salvador-Maris-RacalMAY PELIKULA na agad si Manolo Pedrosa. Sa kanya ibinigay ni Direk Joven Tan ang role ni Sonny sa pelikulang Star Versus Me na isa sa mga bida sa pelikula. First movie ito ni Manolo pagkatapos niyang lumabas sa PBB All In at ka-partner niya rito si Maris Racal na kasama rin niya dati sa PBB.

“I feel so blessed po na ipinagkatiwala sa akin ni Direk ang character ni Sonny. Baguhan pa lang ako, pero nabigyan na kaagad ako ng ganitong break sa pelikula,” kuwento naman ng binata na produkto ng PBB All In.

Inamin din ni Manolo na kahit magkasama sila ni Janella Salvador sa morning series na Oh My G! ay mas malalim na ang pinagsamahan nila ng kapareha sa pelikulang si Maris.

“Si Maris po kasi, kasama ko na siya dati pa sa PBB, kumbaga po, mas kilala ko na siya, mas more time kaming nag-bonding ni Maris. Si Janella po kasi, since kakakilala rin lang namin no’ng nag-MMK at kaka-start din lang namin sa Oh My G! so medyo hindi pa ganu’n ‘yung bonding.

“Kay Maris po, sobrang comfortable po kami with each other ‘pag nagsi-shoot po. Sobrang… parang walang masyadong effort ‘pag kaming dalawa po,” tsika pa ng binata.

Samantala, walang ka-date si Manolo nu’ng Valentine’s Day dahil may show siya sa Abra. Si Maris naman, wala ring ka-date dahil wala naman itong boyfriend ngayon.

La Boka
by Leo Bukas