Manolo Pedrosa, kahit walang ka-love team, masaya na naipapares sa iba’t ibang actress

Manolo Pedrosa, kahit walang ka-love team, masaya na naipapares sa iba’t ibang actress

Manolo-PedrosaPUMASOK NA rin ang teen heartthrob na si Manolo Pedrosa sa afternoon series ng ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Manolo will play the role of Luis na magdadala raw ng conflict sa umuusbong na relasyon ng karakter nina Loisa Andalio at Joshua Garcia sa serye.

Ang suwerte ni Manolo dahil pagkatapos mag-end ng Oh My G! na pinagbibidahan ni Janella Salvador and Marlo Mortel, heto’t meron na ulit siyang bagong serye.

Naipareha na rin si Manolo kay Maris Racal sa pelikulang Stars Versus Me directed by Joven Tan. Pero kahit wala siyang permanenteng ka-love team, masaya naman ang binata dahil he’s got the chance daw na makatrabaho ang iba’t ibang Kapamilya actresses.

“Honored po ako and sobrang masaya na after Oh My G! ay may bago na ulit akong gagawin. I’m really thankful to ABS-CBN,” sey pa ng binata.

Parehong produkto ng Pinoy Big Brother All In sina Manolo, Joshua, Loisa, at Jane Oineza na isa rin sa bida ng Nasaan Ka…. Bukod-tanging si Jerome Ponce lang na partner naman ni Jane sa serye ang hindi nanggaling sa PBB.

La Boka
by Leo Bukas