Manolo Pedrosa, dinaig pa ni Maris Racal sa usapin ng relasyon

Manolo Pedrosa, dinaig pa ni Maris Racal sa usapin ng relasyon

Maris-Racal-Manolo-PedrosaISA SI Manolo Pedrosa sa mga baguhan na cutie at hunk na hunk ang appeal. Matangkad sa taas na 6 feet flat. Ang ganda ng pangangatawan. Guwaping na guwaping na ang Tsinitong mga mata marahil ang lalong nagpapakilig sa mga girls na edad 20 and below.

Mula nang mamataan ng publiko ang Lasalista sa PBB, kung saan sa Bahay ni Kuya ay nabuo ang tambalan nila ni Maris Racal, hindi niya inisip na magiging kilala pala siya paglabas ng PBB.

Last year, nag-graduate sa high school si Manolo, na ewan ko at hindi ko naitanong sa discoverer and manager niyang si Jun Reyes kung paaano niya naispatan ang binata.

At the age of 17, never been romantically involved si Manolo, ito’y kung paniniwaalan natin ang sinasabi niya.

‘Ika nga ay no girlfiend since birth. Pero si Maris na kapareha niya sa pelikula at “ka-loveteam” ay minsan nang nagka-boyfriend.

Biro nga namin sa kanya, daig ba siya ng ka-partner niya dahil sa edad niyang seventeen years old, dapat may karanasan na siya magmahal at makipagrelasyon.

Tipong good boy si Manolo. Masunurin sa mga magulang na ang habilin sa kanya ay tapusin at mag-concentrate sa pag-aaral muna na mabilis naman niyang natapos and on time kaya wala siyang ka-lovelife-lovelife since birth. May mga crushes siya, pero mas nagseryoso siya sa kanyang studies.

Kaya nga nang makalabas siya sa Bahay ni Kuya, ang nabuong loveteam nila ni Maris ay naitawid nila sa isang pelikula na pang-hugot para sa mga bagets, ang Stars Versus Me, mula sa direksyon ng kuwentista na si Direk Joven Tan.

Sa pelikula, makakasama nina Manolo at Maris sina Jenine Desiderio, Dennis Padilla, Rita Avila, at Matet de Leon.

Reyted K
By RK VillaCorta