Manny Pacquiao, wala nang magagawa ang sorry

ADVERTISING

Manny Pacquiao, wala nang magagawa ang sorry

Manny Pacquiao, wala nang magagawa ang sorryNag-sorry na si Manny Pacquiao sa LGBT community nitong Martes for his vitriolic statement on same sex marriage, calling gay couples worse than animals.

ADVERTISING

But the harm has been done, ‘ika nga.

Obvious na dalawang bagay ang nakalimutan ni Pacman, such memory lapses caused perhaps by boxing-related head injuries sa maraming taon na niyang pakikipagbasagan ng bungo at mukha: una, minenos niya ang puwersa ng komunidad ng mga lesbiyana, bakla, silahis, at transgender; at ikalawa, siya ang may kailangan sa bayan, walang kailangan ang bayan sa kanya.

Ilan tuloy sa mga personalidad ay may bayolanteng reaksiyon. PGT judge Vice Ganda says na hindi kailangan ng bulag na propeta para pamunuan ang bansa. Tinawag naman ng ‘Born To Be A Star” judge na si Aiza Seguerra na “ignorant, bigoted hypocrite” si Pacman (na baka ang pakahulugan niya nito sa salitang “bigoted” ay “may bigote” as in bearded!)

ADVERTISING

Ibinalik naman ng TV director na si Andrew de Real ang salitang “animal” kay Manny. Both Aiza at Andrew are married to their same sex partners.

Tumatakbong senador si Pacman who—by sheer luck—ay nasa Top 12 sa survey gayong una, mas marami pang absences sa Kongreso; at ikalawa, hindi pa gaanong nangangampanya at walang campaign ads (as in walang kagastus-gastos) pero nangangabog sa survey?!

Kunsabagay, ikalabinlimang araw pa lang naman ng national campaign, Pacman still has 79 days left to prove if he’s survey-worthy. Baka kasi sa 1,200 respondents ay wala ni isa roon ang kabilang sa LGBT community otherwise he’ll be at the tailend!

Sabi nga ng FB post ng kaibigang Richard Pinlac, mas ibibigay na lang niya ang kanyang boto sa kapartido ni Pacman at tumatakbo ring senador na si Alma Moreno.

Puwes, du’n na tayo kay NESS… kesa sa taong nagmamali-NESS!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING