Manny Pacquiao to face off Willie Revillame’s show

ADVERTISING

 

 Manny Pacquiao to face off Willie Revillame’s show

ADVERTISING

 Manny Pacquiao to face off Willie Revillame’s show OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Alam kong maraming nakakakilala, lalo na ‘yung mga biyenan, sa game show na Kuwarta o Kahon. Nakita ng aking mga kaibigan na si Direk Bing Santos at dating Vice Mayor ng Marikina na si Sonny Parson (nagpasikat ng grupong Hagibis) na nagwawalis na lang sa kalsada sa bandang Timog at Morato, at minsang nagho-host ng mga pa-Bingo Sosyal, ang payat na si Pepe Pimentel na kalbo na rin at wala nang ngipin.

Naitanong nila kung bakit ginagawa nito ang pagwawalis. Ang sagot ng dating barangay captain na si Pepe Pimentel, ipinagpa-patuloy lang daw niya ang kanyang public service. Hindi niya siguro matanggap na natalo siya, at sa tingin ko, sanhi ito ng depression.

Kaya lumapit ang grupo ni Sonny sa pilantropong si Engr. Bing Publiko, dahil ito ang napakada-ling lapitan ng mga artista. Para itong pumalit kay FPJ nu’ng na-bubuhay pa ito. Kaya nag-put-up ang kanyang foundation ng isang concert sa Metro Bar sa July 31, at ito ay libre. Ang malilikom nito sa pamamagitan ng sponsor ay ibabahagi kay Pepe Pimentel.

ADVERTISING

Mapalad tayo na may isang grupo, tulad ng kay Engr. Bing Publiko, na matulungin. At pagkatapos ng tribute kay Pepe, gagawa sila ng pelikula. At take note, hindi indie film, at balak nilang kunin si Maricel Soriano, at ang magdidirek ay si Bing Santos. Siyempre pa, kasama ang inyong lingkod.

Paging MARICEL SORIANO!

 

DUMAKO NAMAN TAYO kay Cong. Manny Pacquiao na talaga namang tatapatan ang game show ni Willie Revillame tuwing Sabado. ‘Di ba, mag-BFF ang dalawang ‘yan?!

AT heto pa, mamimigay rin siya ng house and lot, tulad nga ng ginagawa ni Willie, at pagkakataon na nga ni Manny na i-share ang mga biyaya niya, kung sa kanya nga talaga manggagaling…. Pak!

 

AT ANO NAMAN kaya ang eksena kay Kuya Boy Abunda? Marami kasi ang nagtataasan ng kilay na sabi niya ay wala siyang balak tumakbo sa pulitika. May bali-balita kasing tatakbo itong governor ng Samar.

Pero in fairness naman dito, keri lang naman dahil alam kong may ‘k’ naman siya, dahil nakikita ko naman noon pa na mahilig itong tumulong, lalo na sa mga kabataan. Dahil sa akin pa siya mismo umo-order para maipakain lang niya sa mga walang makain na mga bata…. Pak! Hahaha!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING