Manny Pacquiao, pinagkaguluhan ng foreign press sa Miss U

Manny Pacquiao, pinagkaguluhan ng foreign press sa Miss U

Manny-PacquiaoNAKAKATUWA RIN ang pag-judge ni Manny Pacquiao sa nakaraang Miss Universe dahil bukod sa nahirang na Miss Universe na si Miss Columbia, si Pacman ang isa sa pinagkaguluhan doon.

Sa lahat na mga judges, siya ang pinakasikat at pinaupo talaga siya sa gitna kahit siya ang pinakamaliit.

Kuwento nga ng reporters natin na nag-cover doon, hindi na raw sila nakapag-interview kay Pacquiao dahil hindi na sila nakasingit sa foreign press na tumutok sa kanya.

Ang tagal pa raw ng interview nila, kaya hindi tuloy sila nakapag-interview.

Pero kahit na hindi sila nakasingit, proud na proud sila sa mainit na pagtanggap at pagbigay importansya sa ating Pambansang Kamao.

Siyempre, inaabangan nila ang susunod na laban ni Pacman na malamang si Mayweather na nga ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis