Manny Pacquiao, pikon na sa isyu nila ni Krista Ranillo?! – Morly Alinio

ADVERTISING

Manny Pacquiao, pikon na sa isyu nila ni Krista Ranillo?! - Morly Alinio

Manny Pacquiao, pikon na sa isyu nila ni Krista Ranillo?! - Morly AlinioMARAMING BESES NAMING nakausap si Manny Pacquiao pero nanibago kami nang interbyuhin namin ito sa NAIA kamakailan kung saan galing sila ni Jinkee Pacquiao sa Gensan. Sa nakita namin, hindi pa rin sweet ang mag-asawa matapos ma-link si Pacman kay Krista Ranillo. Halatang iwas ang mag-asawa na pag-usapan kung ano na ang status ng kanilang relasyon.

ADVERTISING

Nang tanungin ng Pinoy Parazzi si Pacman kung masaya ba with Jinkee, ang sabi, “Bakit kayo, masaya ba?”

At sa tanong na kung ano ang masasabi sa kontrobersiyal na Krista, ganito ang sagot: “Sa palagay n’yo?”

Dama namin na pikon si Manny noong umagang iyon. ‘Yun ‘yung umagang iyon nang abangan namin ang pagdating ni Krista sa NAIA na ang mag-asawang Manny at Jinkee ang hindi namin inaasahang makikita.

ADVERTISING

“Ayoko na siyang pag-usapan. No comment ako pagdating sa kanya basta masaya na lang tayo dahil heto pa naman kami ni Jinkee,” na hindi na sinundan kung okey lang sila o hindi ni Jinky sa kanyang mga pahayag.

Samantala, mariing sinabi ng manager ni Krista na si Arnold Vegafria na hindi okey ang kanyang alagang si Krista.

“Actually, at long last ay nagkausap na rin kami ni Krista after a few days nang hindi namin pag-uusap, at nasasaktan siya sa mga intriga sa atin. Umiiyak pa rin siya up to now dahil unfair ang balita pero darating siya next week para sagutin ang lahat ng issue. Magkakaroon kami ng presscon para isa-isahin niyang sabihin kung ano ang totoo.” Sunud-sunod pang sabi ni Arnold na nagsabi pa ring tanggap ng pamilya ni Krista ang hininging apology ni Manny kamakailan.

“Sa tingin namin ay sincere naman si Manny sa mga sinabi niya.” Kaya lang daw, ang sobrang apektado sa intriga ay ang ama ni Krista na si Mat Ranillo III.

SAMANTALA, MAGDEDEMANDA RAW ang pamilya Ranillo sa mga taong nagkalat ng maling balita laban kay Krista Ranillo. Base sa nakalap naming balita, hindi lusot si Gina Alajar sa issue dahil galit dito ang mga magulang ng aktres matapos na magbigay ito ng kumento tungkol sa sexy actress.

Sa kabilang banda, wala namang dapat ikatakot si Gina sa mga usap-usapang pagbabantang demanda dahil una at higit sa lahat, malinis ang kanyang konsensiya sa mga bagay na naisulat niya noon sa kanyang Facebook account.

Ayaw magbigay ng komento ni Gina sa nasabing issue dahil una at higit sa lahat, paos ang aktres at wala itong boses bukod pa sa ayaw niyang patulan ang nasabing issue.

HINDI IPINAGBIBILI NI Governor Vilma Santos ang bago niyang bahay sa Ayala-Alabang. Ayon sa Star for All Seasons, biro lang daw ang sinabi ng Megastar na bibilhin niya ang bahay ni Ate Vi. Naisip kasi ni Sharon na gusto niyang magkaroon ng tulad sa bahay ni Ate Vi nang personal silang dumalaw ni Kris Aquino.

“My God ang ganda ng bahay ni Ate Vi. Parang akong-ako ‘yung disenyo ng house!” Bulalas pa ng Megastar.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING