Manny Pacquiao, pambansang kontrabida na ngayon

Manny Pacquiao, pambansang kontrabida na ngayon

Manny Pacquiao, pambansang kontrabida na ngayonBugbog-sarado si Manny Pacquiao dahil sa kanyang ‘masahol pa sa hayop’ comment about the gay community.

Ang daming nagalit sa Pambansang Kamao, tingin sa kanya ngayon ng mga tao sa social media ay Pambansang Kontrabida.

Nakakaloka ang tapang ng gay community, we saw a video rant against Manny by one English-speaking beki. Talagang nilait niya si Manny Pacquiao. Tinawag niya itong unggoy. Pati ang mother dear ni Manny na si Mommy Dionesia ay hindi rin na-spare sa panlalait. Masarap daw tumambay sa mukha nito dahil puro raw kanto.

Ouch!

Meron isang bading din na nag-video rant at tinawag ding bobo si Manny. Pati pambabae niya at pati pakikipagrelasyon ni Mommy D sa mas batang lover ay tinuligsa rin.

Tiyak na masi-shock si Manny sa mga pinagsasabi sa kanya kahit na nag-sorry na siya. Kaliwa’t kanan ang batikos sa kanya at may kasabay pa itong pakiusap na ‘wag siyang iboto sa darating na election.

The problem with Manny is that he’s trying very hard to be witty kahit hindi naman siya brainy. Ayan tuloy ang napala niya.

“Isa ka lang namang Unggoy na Natutong magBoxing!”

That was the one-liner ng isang beki sa kanyang video.

Sinariwa pa ng beki ang pagtira ni Manny sa isang beki noong isang kahig, isang tuka pa lang ito.

Siyempre pa’y hindi rin nakalusto kay Mo Twister ang anti-beki rants ng Pambansang Kamao.

“Dear Manny, I think I liked you more when you were a womanizer.

“I again watched Manny’s homophobic and bigoted interview comparing animals and homosexuals — and I think I just got dumber,” say ni Mo sa kanyang Twitter account.

Si Mo pa, magpapaawat? Siyempre, hindi, ‘no!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas