Manny Pacquiao, OA na ang pagiging relihiyoso?!

ADVERTISING

Manny Pacquiao, OA na ang pagiging relihiyoso?!

Manny Pacquiao, OA na ang pagiging relihiyoso?!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly! Ola chikka na!!!

Maloloka ka talaga sa Earth sa mga chikkang nakawiwindang dahil masasabi mo talaga at ng mga kaparazzi natin na naniniwala pa rin akong if money talks, everybody listen. Kasi pagkatapos daw ng ensayo ni Manny Pacquiao, tuloy pa rin ang Bible study niya. Ang hindi raw um-attend, walang datung, at sasabihin daw ni Pacman na mga alagad ni Taning, kaya ang ibang hindi makatiis, goodbye and see you no more, or hindi ka na makakabalik kay Manny. Bow na lang ang mga alagad niya, if Manny talks kailangan maniwala kayo kasi wala kayong datung .

Mag-isip-isip kayo kung tama ang ginagawa sa inyo ni Manny. Nagtatanong lang naman, ‘te! Hahaha! At isa pa, curious lang ako… bakit ang mga pulitikong nakabuntot lagi kay Manny, hindi ko nakikita sa kanyang Bible study at prayer meetings? Bakit kaya hindi niya maengganyong sumama sa kanya para mabago na rin, tulad ni Gov. Chavit Singson at dating Mayor Lito Atienza, na minsan, nakita kong abala sa pagtestigo kay Justice Corona sa impeachment?

Nagtatanong lang po… kasi wala akong nabalitaan na pulitiko at kapwa kongresista, maliban kay dating Cong. Dennis Roldan. Nagtatanong lang po ulit?Pak!

ADVERTISING

Siyempre, ang comment ko lang naman, sana may mag-advice kay Manny, kasi maraming mga intellectual ang nakakapuna na over-acting na ang pagiging malapit niya kay Lord. Sobra na, parang hindi na normal ang tingin sa kanya ng mga tao. Tama na ang kanyang ina na si Doña Dionesia, ‘di ba?

Isa pa, hindi pewede pagsamahin ang Bible at ang pagiging politician niya. Mukhang mahirap pagsamahin. Hindi ako against na ikaw ay maka-Diyos, kasi ang tingin ko sa kanya obsessed na siya sa pagiging relihiyoso ngayon. Nakakagamot na… susunod niyan, nakakabuhay na ng patay! Ano ba ‘yan? Lahat na, pinasok mo?! ‘Yun na!

 

AT ANOTHER chikka naman ang awayan nina Cristine Reyes at Ara Mina na hindi na talaga maganda ang dating, dahil pera ang pinag-aawayan nila at talagang may demandahan at broadcast na broadcast sa buong industriya.

Naku, naman! Siyempre, kahit papaano, magkapatid pa rin sila. Dahil puwede naman nilang daanin sa magandang usapan.

Buti na lang ang magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, kahit na nag-aaway sila ay tahimik lang ang chikka. At ang chikka rito, mas maldita raw itong si Toni Gonzaga kesa kay Alex. Dahil kapag hindi raw nasunod ang gusto nito, warlang warla raw ito.

Pero hindi halata sa image ni Toni, ha? Kaya pala hindi rin sila puwedeng magsama sa isang network, dahil mapapansin ng mga tao na madalas din pala itong mag-away.

Naku, para sa mga magkakapatid, dapat magtulungan, hindi dapat pinapairal ang galit! Pak!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong sikat na mayaman na matandang actress na nakakaloka sa Earth?

Nang maimbitahan ko kasi na kung puwede ko ba siyang iguest sa progam ko para mag-comment sa nasasangkot na kaguluhan ngayon at para marinig lang ng mga listeners ko ang side niya, ang nakakalokang sagot sa akin ay exclusive lang daw siya sa isang network at hindi siya puwede sa radio. Kaloka RHTV ‘yun at may TV din.

Sayang naman, dapat hindi siya namimili eh, ‘di gusto rin pala niyang magpakita ulit sa TV, at talagang pag-usapan siya nang bongga!! Naku ha Tita Swarding naman ang mag-i-interview, ayaw pa! Well, sorry na lang sa kanya! Hahaha! Pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING