Manny Pacquiao, nagsisisi sa sobrang pagpaparetoke ni Jinkee Pacquiao?!

Manny Pacquiao, nagsisisi sa sobrang pagpaparetoke ni Jinkee Pacquiao?!

Manny Pacquiao, nagsisisi sa sobrang pagpaparetoke ni Jinkee Pacquiao?!OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!! Wild na wild at nakakaloka talaga ang bagyong Pedring dahil marami ang naapektuhan. Pero in fairness naman, kahit may bagyo ay magchi-chikahan pa rin tayo at magchi-chismisan to the maximum authority ng nag-iisang yours truly.

Heto na nga ang chikka ko sa inyo na talaga namang magugulantang kayo rito. Dahil talagang bumigay na ang aking kaibigang si Boy Abunda at sumabog na talaga siya sa isyu nila ni Erik Santos. Sa lahat kasi ng talent ng Backroom, siya raw ang pinaka-reklamador, sinungaling at feeling señorito pa ito. At talagang masasabi mo raw na walang utang na loob.

Ang nakakaloka rito, sobrang lumobo ang ulo ni Erik at lumaki ang ulo niya. Naku naman, ‘te! Ang chika pa niya ay siya raw ang umalis sa Backroom, pero ang nakakaloka roon at ang totoong chika, siya pala ang inalis dahil sa ugali.

Naku, alam mo naman sa panahon ngayon kung ganyan ang ugali mo sa showbiz industry ay hindi ka talaga tatagal at kahit mismong manager mo ay bibitawan ka.

Naku, may attitude problem pala ‘yan!!! Hahaha!

AT HETO PA ang another chikka na hindi rin pala si Jinkee Pacquiao ang may kagustuhan na magparetoke siya. Nakakaloka naman! Si Manny Pacquiao raw ang nag-utos sa kanya para magparetoke siya.

Bakit, ano naman ang dahilan ni Manny na bigla niyang inutusan si Jinkee? Baka hindi niya na ma-take si Jinkee na bakit ganu’n ang itsura ng asawa niya? Kaya lang mukhang nagsisisi na yata itong si Manny dahil parang sumobra yata ang pagkaretoke sa kanya.

Nakakawin-dang, dahilan nga ng hindi niya nakilala itong si Jinkee. Hahaha! Nakakaloka, ‘di ba? Maloloka ka talaga sa Earth kung ganitey na chikka ang mababasa mo…!!! Pak!

 

BLIND ITEM: SINO siya? Sino naman kaya itong TV host na talaga namang bago niya maging jowa ang isang director ay na-ging jowa niya muna si… ? Hahaha! At talagang ‘pag tinatanong siya ay deny to death ang lola mo.

Kaya ang mase-say ko lang d’yan, mukhang hindi naman talaga nila p’wedeng aminin, kasi nga may mawawarla ng hard… alam n’yo kung sino ‘yan!!! Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. At siyempre every Saturday, sa mga kababayan natin sa UK, i-type lang sa internet ang PINOYRADIOUK, 7:00-9:00 PM, Manila time. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding