Manny Pacquiao, naging maingat sa pagtanggap ng mga bisita

Manny Pacquiao, naging maingat sa pagtanggap ng mga bisita

Manny-PacquiaoLAHAT AY nakatutok kahapon sa laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.

Buti na lang nakakuha na rin ako ng tickets at pati sa weigh-in ay nakapasok ako.

Ang ikinaloka ko lang, sobrang dami talaga ang mga dumadalaw sa hotel room ni Pacman na gustung-gusto siyang makilala. Kaya maingat sila at baka mamaya may mga sakit ang iba du’n, tapos mahawa pa ang ating Pambansang Kamao, mahirap na, ‘di ba?

Napanood n’yo naman siguro ang interview ko kina Jinkee Pacquiao, kay Mommy Dionisia na talagang laging nakakabit ang dyowa niya.

Pagbalik ko galing Las Vegas, mas marami akong itsika sa inyo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis