Manny Pacquiao, nagbigay ng kalahating milyong piso sa ‘nagbugaw’ kay Krista Ranillo?! – Ronnie Carrasco

Manny Pacquiao, nagbigay ng kalahating milyong piso sa ‘nagbugaw’ kay Krista Ranillo?! - Ronnie Carrasco

Manny Pacquiao, nagbigay ng kalahating milyong piso sa ‘nagbugaw’ kay Krista Ranillo?! - Ronnie CarrascoIT’S OFFICIAL: CLAUDINE Barretto is now a Kapuso star.

Dapat sana’y hush-hush muna ang ginanap na pirmahan sa pagitan ng GMA-7 at ni Claudine nitong Miyerkules pending certain concerns na kailangan munang ayusin ng aktres with ABS-CBN. But as of 8 P.M. that same day, heto’t ipina-plug na nga ng Startalk ang pangangabilang-bakod ni Claudine.

At habang pinag-uusapan ito, matunog naman ang balitang hindi na umano tatapusin ni Sunshine Dizon ang kanyang two-year contract with GMA, hence ang kanya namang impending crossover to ABS-CBN.

Going back to Claudine, hindi raw imposibleng makatrabaho niyang muli ang kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez, reminiscent ng nangyari kay Marvin Agustin na noong lumipat fro ABS-CBN ay nakatrabaho ang dating nobyang si Jolina Magdangal.

Now with the reversal of fortune na kinasusuungan nina Claudine at Sunshine, sino kaya sa dalawa ang mas “reyna” sa kahariang nilipatan?

MUKHANG MAY BAGO na namang “pagtitripan” si Lolit Solis sa katauhan ni Cathy “something,” ang stylist ni Krista Ranillo.

Si ‘Nay Lolit kasi ang umano’y pinagbibintangan ni Cathy na nagkakalat na ibinubugaw umano nito ang starlet kay Manny Pacquiao. Sa katunayan, may cash gift daw si Pacman na kalahating milyong piso kay Cathy for a (pimping?) job well done.

Granting that aside from running a salon business ay merong “on the side” na raket si Cathy such as peddling human merchandise to wealthy patrons, walang iniwan ‘yon sa minsa’y winika ni Gat Jose Rizal na: Walang mga alipin kung walang magpapaalipin. In this particular case, walang bugaloo, kung walang nagpapa-bugaloo, ‘no!

Hay, naku!  Mabuting basagin na ni Krista ang kanyang katahimikan. The longer she lurks in silence the cheaper this scandal is getting to be!

NAUNSYAMI ANG DAPAT sana’y itatanghal na show ng Goin’ Bananas gang led by Christopher de Leon bilang tribute sa matalik nilang kaibigang si Johnny Delgado. Pinaka-“poste” ng kanilang palabas ay si Johnny, pero tribute din ‘yon para sa ilang miyembro ng lokal na aliwan na buhay pa.

“Ang kaso, naunahan kami (ng pagkamatay niya),” sey ni Boyet. Too late, ‘ika nga, dahil ang co-member nila sa Goin’ Bananas ay “gone” na yet feasting on ripe bananas in heaven.

Makahulugan ang mga ganitong tribute for the living, huwag nang hintayin pang magpantay ang kanilang dalawang paa. Walang iniwan ang mga posthumous recognition na ibinibigay sa maraming artista whose achievements go unnoticed when they were still alive and kicking.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III