Manny Pacquiao, may injury raw kaya natalo

Manny Pacquiao, may injury raw kaya natalo

1 Manny-PacquiaoTULUY-TULOY PA rin ang buhay. Hindi man nasungkit ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang panalo kay Floyd Mayweather Jr.  kahapon ay hindi ibig sabihin ay hinto na buhay. Sa dami ng fans ni Manny na nabigo na sinasabing hindi naging fair ang desisyon ng hurado ay wala na tayong magagawa, the decison is final.

Move on na lang tayo. At kahit na sobrang booo ang natanggap ni Floyd at ito na yata ang pinakamatinding booo na nangyari sa mundo ng boxing. Kalokah, champion ang siyang sinigawan ng booo. Hahahah!

Hintayin na lang natin si Manny sa kanyang pagababalik sa Pilipinas sa May 6.

Fiestang -fiesta ang opinyon, mundo ng sports, pulitika, at maging ang showbiz. At dito masasabing ang mundo ng sports, politics, at showbiz ay iisa. Hahahaha!

Sa labanan, may talo at panalo… ‘yun na! Kapag natalo, may dahilan… at ‘yung kanang balikat daw ni Manny ay may injury…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!