Manny Pacquiao, may huling hirit bilang recording artist

Manny Pacquiao, may huling hirit bilang recording artist

Manny-PacquiaoNANGAKO SI Pambansang Kamao Manny Pacquiao na hindi na siya mag-a-attempt na maging recording artist at magko-concentrate na lang siya bilang congressman, boksingero, coach, at basketball player.

Pero hindi rin siya napigilan na mag-record ulit ng bagong kanta dahil hindi raw niya mahindian ang muling kumanta ng bagong single titled “Lalaban Ako Para sa Pilipino” na gagamitin niyang fight song sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa May 2 sa Las Vegas, Nevada.

Ang nasabing kanta ang patutugtugin habang pumapasok siya sa venue at hanggang sa pag-akyat niya sa boxing ring.

Ang kaibigan niyang si Lito Camo ang sumulat ng kanta at bale ito ang ikalawang beses na nag-collaborate sila para sa isang kanta.

 

KAMAKAILAN LANG ay nagcelebrate ng kanyang 10th birthday si Jillian Ward at marami ang nagulat na dalagang-dalaga na ang hitsura at kilos. Parang kailan lang na-discover siya at gumanap na Trudis Liit. Kung dati ay mahilig maglaro at medyo may kakulitan si Jillian, ngayon ay astang dalaga na kahit hindi pa siya certified teen.

Ang birthday wish niya ay hindi para sa kanyang sarili lamang. “Hindi po kasi material, eh. Sana po long life para sa family namin. Sana lagi po kaming magkakasama. Wala pong mawawala and more blessing to come para ma-share ko po. Sana ilayo kami sa sakit ng Diyos at sa mga bad spirit po,” wish ni Jillian na huling napanood sa My BFF at ngayon ay kasama siya sa Pari Koy na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
PERSONAL: SALAMAT po sa mga nagpadala ng birthday gift sa aming kaarawan last February 28, sa GMA 7, ABS CBN, Boy Abunda, Bea Binene, at sa mga nag-OPM, atbp. na magpapadala raw ng pahabol na regalo. Sa mga bumati rin po sa facebook, maraming salamat po.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo