Manny Pacquiao, mainit lagi ang ulo?! – Lolit Solis

Manny Pacquiao, mainit lagi ang ulo?! - Lolit Solis Manny Pacquiao, mainit lagi ang ulo?! - Lolit SolisANO BA ‘YAN?! Dinig ko, laging mainit daw ang ulo ngayon ni Manny Pacquiao!

Hindi natin alam kung ano ang madalas na ikinaiirita niya ngayon: Ang ‘di pagkatuloy ng laban niya kay Mayweather? Ang pagka-flop ng Wapakman? O, ang tsismis na buntis daw si Krista Ranillo?!

Sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, may kuwento kami tungkol kay Krista dahil ang Startalk lang ang nakakuha ng pagdating nito galing Amerika at idineny naman niya ang isyung buntis siya.

Pero makulit itong source namin na talagang pumunta raw ng Cebu itong Krista at doon nagpatingin, na itinatanggi naman nito. Sa ilang linggong pamamalagi niya rito, never daw siyang nakapunta ng Cebu at doon pa nagpatingin.

Pati ang isyung may negosyo itong binuksan sa Amerika ay deny rin siya. Bumalik lang siya rito sabi ng manager niyang si Arnold Vegafria dahil may commitment ito sa ABS-CBN 2 na kailangang tuparin.

Ang dami nga raw nitong action scenes na gagawin sa Agimat kaya paano raw kung buntis ito? Kung sa bagay, magkaalaman din iyan after five o six months, ‘di ba?

Sinubukan ng Startalk na kunan ng reaksiyon si Jinkee Pacquiao tungkol sa intrigang ito, pero tumanggi ito. Mas mabuting tahimik na lang daw muna at ito nga ang matagal na niyang wish nu’ng nakaraang Pasko na maging tahimik na silang mag-asawa at hindi na maiintriga uli.

Eh, kasi naman, hangga’t hindi pa nagsasalita itong Krista, hindi talaga mananahimik iyan at nandiyan pa rin ang kumakalat na tsismis tungkol sa kanila ni Manny.

Tingnan na lang natin sa mga susunod na araw dahil hindi pa iyan natatapos. Sabi nga ni Ricky Lo, meron pang sasabog na mas malaking isyu kaugnay sa intrigang iyan.

MAMAYANG GABI NA magsisimula ang The Last Prince nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na susunod sa Darna.

Malaking challenge ito sa loveteam ng dalawa dahil katapat pa nito ang pagtatapos ng Dahil May Isang Ikaw ng ABS-CBN 2. Parang type naman ngayon ng mga tao ang telefantasya kaya very positive ang GMA-7 na tatangkilikin ito.

Hanggang ngayon ay wala pa ring inaamin ang dalawa kung ano na talaga, pero sinasabi naman ni Kris na apektado ang panliligaw ng ibang boys sa kanya dahil nga kay Aljur. Lahat naman daw ‘yun alam ni Aljur at minsan nagri-react ito at super-selos ang loko.

Nagseselos naman pala, bakit hindi pa itinutuloy nito ang panliligaw kay Kris?

Dumadalaw naman daw minsan sa bahay ni Kris pero dinadalhan lang daw ito ng pagkain dahil nga gusto nitong magpataba at malaki na ang ipinayat nito.

Tuloy napagbintangang anorexic o ‘di kaya nagpalagay ng collagen sa mukha dahil ang laki nang ipinagbago ng mukha nito magmula nang pumayat ito nang husto.

Sabi naman ni Kris, tumigil na raw ito sa pagda-diet pero konti lang daw talaga siya kumain ngayon dahil gusto na nitong ma-maintain ang ganu’n kapayat para kung may mga eksenang naka-two piece nakahanda ang katawan niyang payat.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis